Tips naman fellow tsikoteers, 3 weeks ago nagpalit ako ng timing belt sa L300 ko sa El dorado, damage P15k, hindi ko pa pinasama yung crankshaft pulley dahil 6k daw yung price plus yung isang mechanic sabi ok pa naman daw, pero palitin na. After a week naputol naman yung ball joint niya buti nalang malapit pa samin kundi na tow yun sigurado. Tapos ngayon may tumutunog na parang valve tuppet na ingay pero nung pinacheck ko hindi daw dun galing sa ibaba pa ng makina kaya ang hatol top overhaul,labor palang P3k na, kung may sirang piyesa iba pa yun. I'm contemplating kung its time for me and my L300 to part ways baka sa isang buwan meron nanaman. 2nd hand ko siya nabili nung yr 2000 laging full load sa water jugs kaya talagang sulit na siya.