Good Day po sa inyo.

Having trouble with my ee90 with 2e engine, napansin ko lang po pag nagpapagasolina ako mayroong malakas na hangin palabas ng gas tank pag binubuksan sya. Pumunta ako sa suki kong mekaniko at sinabi ko ganun ang ngyari, ang ginawa nya inalis nya yung fuel hose papunta sa carb na nakakabit sa fuel pump at tuloytuloy ang labas nang gasolina at dun sa fuel filter carga naman ng carga kahit nakapatay ang makina. Inalis namin ung takip ng gas tank at hayun sumingaw ng malakas at tumigil ang pagtulo ng gasolina. Tinignan niya ang fuel pump good condition pa daw po at nakikita nya pang huli yung canister at ung valve di ko sure kung valve ba yun. Inalis nya yung hose sa canister yung pang intake ng moist daw yun at hanggang ngayon nawala na yung malakas na pressure sa gas tank pag nagpagasolina. Hindi ko pa nasubukan sa long drive at sa sobrang trapik dahil minsan pag-sobrang trapik namamatay kusa ang makina at pag start mo good naman sya. Ang sabi ng suki kong mekaniko baka yun nga raw nabubulunan na raw ng gasolina yung carb at engine kaya namamatay yung makina. ano po opinion nyo sir tungkol dito, kailangan na bang palitan yung charcoal canister ko?

salamat po sa magiging opinyon nyo.