New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20
  1. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #1
    guys help naman, ewan ko kung bakit basa ung parang flooring nung sa drivers side ng corolla ko, ung flooring under ng floor mat is basa, parang sponge sya na kapag inapplyan mo ng pressure eh may tubig, okay lang sana kaso its been weeks, akala ko naman matutuyo un sa init kasi binibilad ko sa init ung sasakyan pero hindi naman siya natutuyo, panu ba patuyuin un, di ko naman pwede sirain kasi nakakabit un sa sasakyan mismo. help naman kung sino may alam kung panu ko mapapatuyo un, kasi inaalala ko lang is panu kapag mainit ang panahon, pwede pamahayan ng bacteria un, diba, kasi warm and moist areas are very prone for bacterial growth, haven para sa bacteria ung ganung environment.

    wala naman amoy yung water nya, basta basa lang, palagay ko nabasa nung mga araw na umuulan, sabay papasok ako sa sasakyan na basa ung slippers or shoes ko tapos un inaabsorb siya tapos hindi na natutuyo.

    thanks in advance! ang remedyo na ginawa ko eh nilagyan ko muna ng dyaryo under the floor mat para naabsorb ung water, but its not enough eh, kelangan talaga matuyo. Thanks again guys!

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    38
    #2
    sir, sa tingin ko lang baka nahugot yung hose sa aircon kaya sa front driver side lang. para talaga matuyo yan bilad yung car for 1 whole day na ma-araw na open yung mga doors; or may vacuum na wet and dry pwede rin yun; dalhin nyo rin sa mga detailing shops. hope this helps.

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    38
    #3
    double post
    Last edited by J97; September 29th, 2008 at 02:41 AM. Reason: double post

  4. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #4
    sa aircon hose po ba talaga? kasi flooring lang mismo eh, ung banda sa may gas and break pedals eh dry naman, as in ung directly under car floor mat lang, pero sige try ko tanggalin ung car floor mat then bilad lang sa araw, kasi na try ko na ibilad pero di ko tinanggal ung floor mat mismo eh baka siguro kaya hindi rin natutuyo. sana lang maaraw ngaun kasi this past few days eh makulimlim ang panahon eh. try ko today if ever kung ano magiging progress post ko dito, thanks for the tip

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #5
    Nabaha ka ba before? Baka may butas ang flooring directly from front wheel well or yung rubber cap niya ay natanggal. Alisin mo agad ang carpet then hanapin mo kung saan galing, pwede i-epoxy kung saan galing. malakas maka bulok yan lalo’t nabababad and another is aamoy basahan ang interior. also pwede ring evaporator drippings.. check mo na lang parehas.

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #6
    yup nabaha na ako before but itong basa sa ilalim ng flooring is ngaun lang, panu ko tatanggalin ung carpet? kasi ung floormat lang ang natatanggal ko, ung flooring mismo ung parang carpet nya is nakakabit mismo sa sasakyan so hindi ko siya matatanggal, ill check now, kung natuyo na.

    anu ung rubber cap na tinutukoy niyo sir? tignan ko din kung may butas at dahil because sa baha, kasi hindi ko alam kung kelan pa itong basa na ito eh, tapos, matagal na rin ako hindi lumulusong sa baha, so maliit ang chance na sa baha galing ung water, i think sa pagsakay ko pag maulan eh, kasi pag sasakay ako syempre basa ung sandals ko tapos hindi nakaaus ung floor mat ko kaya diretso sa carpet ung water. ganun ung suspetsa ko eh, pero ill check na rin, thanks for the tip!

  7. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #7
    basa pa rin guys, pero nga lang parang moist na lang, pag inaplyan mo ng pressure ung carpet nya wala na excess water pero magmomoist pa din ung kamay mo, buti nga walang amoy, maski amoy na basahan eh, ang baho pa man din pag nagkaganun,



    tapos ung nasa pic, ung may white line sa carpet un ung parang may moist wet pa, tapos look at what the water did dun sa parang rubber na nakadikit, natutuklap na ung part na yan, buti nga hindi buo, ung part na natutuklap un ung basa ung mga part na intact pa din un eh ung part na hindi basa, including na din un under the pedals na flooring.



    tapos etong another pic is a view from ilalim ng drivers side, parang medyo awkward ung pagkakuha ko, ung nasa white circle eh ung tire sa kabilang side para mavisualize ng maaus.

    ngaun ko lang nakita yang nasa red na circle, yan kaya ung ibig sabihin ni sir XTO na rubber cap? intact naman siya, kinapa ko nga and hindi ko matanggal eh.

    more tips pa guys para mabilis mapatuyo ung carpet, so far hindi siya evaporator drippings, i had once had that problem pero not on the drivers side tumatapon pero sa passengers side, and so far, aus na un, wala nang drippings from evaporator. hindi ko pa ngaun alam kung san nanggaling talaga ung pesteng tubig na yan hay

    baka may idea kau jan kung panu mapatuyo ito ng mabilis, iiisip ko taungan ko nung chamois towel madami naman ako nun para masipsip ung water/moist overtime.

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #8
    good X-isle at walang cracked or opening sa floor. malinaw ba yung tubig? pwedeng tubig ulan yan or during car wash, kung medyo marumi, baka talsik from wheels naman. suggestion ko lang bro, kung di maalis ang carpet totally subukan mo maangat at tapatan ng industrial or malakas lakas na electric fan para matuyo.

    then iwas mo muna sa baha para isa isa lang observation. check mo gutters and rubber ng pinto particular sa driver's side. yung left sidings sa baba ng dashboard kung may basa baka sa windshield galing, firewall sa likod ng pedals kung may gapang na tubig. baka dun dumadaan ang tubig ulan.

    pag nakita mo tsaka natin tapalan ng epoxy goodluck

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #9
    nagkaganyan din sa oto ko.
    hula ko galing sa payong at sapatos ko kapag sumasakay ako ng oto.

    natuyo rin naman sa init ng araw sa parking, inaalis ko muna ang matting sa driver side kapag iniiwan ko dito sa office parking lot namin. wala naman amoy mabaho kasi meron akong baking soda na pang-refrigerator (arm&hammer brand), taga-absorb ng odor sa loob ng oto.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #10
    nagkaganyan din sa oto ko.
    hula ko galing sa payong at sapatos ko kapag sumasakay ako ng oto.

    natuyo rin naman sa init ng araw sa parking, inaalis ko muna ang matting sa driver side kapag iniiwan ko dito sa office parking lot namin. wala naman amoy mabaho kasi meron akong baking soda na pang-refrigerator (arm&hammer brand), taga-absorb ng odor sa loob ng oto.

  11. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #11
    Quote Originally Posted by XTO View Post
    good X-isle at walang cracked or opening sa floor. malinaw ba yung tubig? pwedeng tubig ulan yan or during car wash, kung medyo marumi, baka talsik from wheels naman. suggestion ko lang bro, kung di maalis ang carpet totally subukan mo maangat at tapatan ng industrial or malakas lakas na electric fan para matuyo.

    then iwas mo muna sa baha para isa isa lang observation. check mo gutters and rubber ng pinto particular sa driver's side. yung left sidings sa baba ng dashboard kung may basa baka sa windshield galing, firewall sa likod ng pedals kung may gapang na tubig. baka dun dumadaan ang tubig ulan.

    pag nakita mo tsaka natin tapalan ng epoxy goodluck
    onga eh buti na lang alang crack underneath, so about naman sa water nya malinaw, hmm, di ko pwede masabi na from carwash itong water kasi the last time na magpa carwash ako eh july or august pa, ang suspect na lang na water na yan is tubig ulan, kasi after ko magpa carwash nun madalas na umulan, so after ulan punas kaagad ako ng sasakyan aun, parang carwash na ulit ang dating, malinis, so baka rain water nga talaga.

    checked ung gutter and rubber ng pinto, wala naman tumatagas na water, eh, pero ang ginawa ko lang is tinutukan ko ng hose ung pinto and then checked to see kung may nakakapasok na water, wala naman hindi naman basa ung sa gutter,

    sa baba ng dashboard pati sa may pedals area na carpet walang prob. tuyo siya.

    parang ang natitira na lang na suspect is kapag pumapasok ako n sasakyan na umuulan just like what sir Zero said, baka galing sa sandals ko pag sumasakay habang umuulan, ang mabuti na lang talaga walang amoy, ayoko pa naman ng masamang amoy sa loob ng sasakyan. ill check later tonight kung natuyo na, ang prob lang, as usual, makulimlim ang panahon ngaun just like the past few days, pero baka naman medyo natuyo na kasi tinanggal ko na ung floor mat, dati kasi hindi ko tinanggal. i'll update on this later.

    salamat sa mga tips!!

  12. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,113
    #12
    kung napipiga mo yong carpetting, at madami tubig, hindi lang sa sandals or payong galing yan. malamang may tulo yan na either galing sa aircon or sa firewall. check mo lang ulit kung may wires coming from the firewall, tiyak may butas na susuotan yan, at may rubber grommet dapat, baka may butas o biyak na yong rubber grommet na nagsisilbing seal against water.

    try mo simulate yong sobrang lakas na ulan, buhusan mo ng tubig galing hose for 15 mins, and observe.

  13. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #13
    i checked out ngaun lang 12 am, well hindi pa rin siya tuyo guys pero pang nag apply ka ng pressure sa carpet basa sya pero wala ka na mapipiga ng tubig, di pa siya natuyo today kasi makulimlim nga tapos umulan pa ng mga 5pm, i checked and hindi naman lumala ung pagkabasa after the rain.. i will still observe, lalo na ngaun sabi ni kuya kim may paparating na bagyo, jan natin malalaman kung anu talaga ang salarin sa pagkabasa ng carpet flooring sa car ko, thanks guys sa idea. ill try to observe ulit for another day, sana naman mawala na ung basa, para d na ko nag iisip pa kung san talaga nanggagaling ung tubig.

  14. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    194
    #14
    sa aircon po yan bossing

  15. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #15
    guys, update lang, for the past two days eh medyo maaraw, so nabilad ng husto ang saskyan, good thing natuyo na ung flooring!

    tapos kaninang hapon bumuhos ang malakas na ulan, dun ko inobserbahan, and after ng ulan tuyo pa din ung flooring ko, then ginamit ko kanina sa paghatid sa mother ko papunta hospital with aircon turned on, wala naman leak.

    and the culprit is.... basang sandals/shoes kapag sumasakay ng sasakyan..

    salamat sa mga nagbigay ng tips!

    clicked the thanks button!

  16. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    17
    #16
    hey guys. im newbie here. it happened to me before. i agree its with the AC. malamang nabunot un hose palabas kaya sa loob and tapon. hope this would help...

  17. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    763
    #17
    Quote Originally Posted by X-isle View Post

    and the culprit is.... basang sandals/shoes kapag sumasakay ng sasakyan..
    The simplest answer is usually right.

  18. Join Date
    May 2010
    Posts
    5
    #18
    Sa akin naman guys, hindi naman umuulan,pag naka-AC ako, namamasa yung floor ko sa ilalim ko... pero sa passenger's side ko,tuyo naman... tapos pag gabi pa tapos naka AC, minsan may papatak pa sa paa ko mismo na malamig na tubig habang nagddrive! Sa drain hose ko naman sa labas, may pumapatak naman...pero di ko maintindihan kung bakit sa side ko merong basa... Help naman guys oh! Any ideas diyan? Para bago ako pumunta sa shop,may idea na ako kung saan puwedeng hanapin yung dahilan. Di ko pa nasusundot yung hose gaya ng mga nababasa ko dito... My ride nga pala is 1991 corolla small body...

  19. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #19
    Quote Originally Posted by gincammapala View Post
    Sa akin naman guys, hindi naman umuulan,pag naka-AC ako, namamasa yung floor ko sa ilalim ko... pero sa passenger's side ko,tuyo naman... tapos pag gabi pa tapos naka AC, minsan may papatak pa sa paa ko mismo na malamig na tubig habang nagddrive! Sa drain hose ko naman sa labas, may pumapatak naman...pero di ko maintindihan kung bakit sa side ko merong basa... Help naman guys oh! Any ideas diyan? Para bago ako pumunta sa shop,may idea na ako kung saan puwedeng hanapin yung dahilan. Di ko pa nasusundot yung hose gaya ng mga nababasa ko dito... My ride nga pala is 1991 corolla small body...
    Most likely galing sa evaporator coil yung tubig, baka barado na at kelangan ng general cleaning. Although nasa bandang kanan ng dash yung evaporator AFAIK, baka tumutulay yung tubig papuntang left side. Pagawa mo kaagad at baka may electrical wiring na mabasa, magkaron ka pa short circuit.

  20. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    641
    #20
    Chief,

    Cause of the water leak is due to the condensate water coming either from the evaporator enclosure or the refrigerant pipe & fittings. Since medyo may kalumaan na din mga rides natin, yung insulation ng mga A/C parts is either nagde-deteriorate or maaring nada-damage during repairs, etc. Pati po mga fittings and enclosures pwede ding ma mis-align kaya nag kaka-leak. Suggest you bring it to a reputable A/C shop (yung ibang shops kasi di gaano marunong mag dikit ng insulation) to check the source and might as well replace the damaged insulation or leaking fittings to prevent occurence of the leak. Thanks!

Basa yung parang flooring sa driver's side