New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #1
    guys help naman, ewan ko kung bakit basa ung parang flooring nung sa drivers side ng corolla ko, ung flooring under ng floor mat is basa, parang sponge sya na kapag inapplyan mo ng pressure eh may tubig, okay lang sana kaso its been weeks, akala ko naman matutuyo un sa init kasi binibilad ko sa init ung sasakyan pero hindi naman siya natutuyo, panu ba patuyuin un, di ko naman pwede sirain kasi nakakabit un sa sasakyan mismo. help naman kung sino may alam kung panu ko mapapatuyo un, kasi inaalala ko lang is panu kapag mainit ang panahon, pwede pamahayan ng bacteria un, diba, kasi warm and moist areas are very prone for bacterial growth, haven para sa bacteria ung ganung environment.

    wala naman amoy yung water nya, basta basa lang, palagay ko nabasa nung mga araw na umuulan, sabay papasok ako sa sasakyan na basa ung slippers or shoes ko tapos un inaabsorb siya tapos hindi na natutuyo.

    thanks in advance! ang remedyo na ginawa ko eh nilagyan ko muna ng dyaryo under the floor mat para naabsorb ung water, but its not enough eh, kelangan talaga matuyo. Thanks again guys!

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    38
    #2
    sir, sa tingin ko lang baka nahugot yung hose sa aircon kaya sa front driver side lang. para talaga matuyo yan bilad yung car for 1 whole day na ma-araw na open yung mga doors; or may vacuum na wet and dry pwede rin yun; dalhin nyo rin sa mga detailing shops. hope this helps.

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    38
    #3
    double post
    Last edited by J97; September 29th, 2008 at 02:41 AM. Reason: double post

  4. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #4
    sa aircon hose po ba talaga? kasi flooring lang mismo eh, ung banda sa may gas and break pedals eh dry naman, as in ung directly under car floor mat lang, pero sige try ko tanggalin ung car floor mat then bilad lang sa araw, kasi na try ko na ibilad pero di ko tinanggal ung floor mat mismo eh baka siguro kaya hindi rin natutuyo. sana lang maaraw ngaun kasi this past few days eh makulimlim ang panahon eh. try ko today if ever kung ano magiging progress post ko dito, thanks for the tip

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #5
    Nabaha ka ba before? Baka may butas ang flooring directly from front wheel well or yung rubber cap niya ay natanggal. Alisin mo agad ang carpet then hanapin mo kung saan galing, pwede i-epoxy kung saan galing. malakas maka bulok yan lalo’t nabababad and another is aamoy basahan ang interior. also pwede ring evaporator drippings.. check mo na lang parehas.

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #6
    yup nabaha na ako before but itong basa sa ilalim ng flooring is ngaun lang, panu ko tatanggalin ung carpet? kasi ung floormat lang ang natatanggal ko, ung flooring mismo ung parang carpet nya is nakakabit mismo sa sasakyan so hindi ko siya matatanggal, ill check now, kung natuyo na.

    anu ung rubber cap na tinutukoy niyo sir? tignan ko din kung may butas at dahil because sa baha, kasi hindi ko alam kung kelan pa itong basa na ito eh, tapos, matagal na rin ako hindi lumulusong sa baha, so maliit ang chance na sa baha galing ung water, i think sa pagsakay ko pag maulan eh, kasi pag sasakay ako syempre basa ung sandals ko tapos hindi nakaaus ung floor mat ko kaya diretso sa carpet ung water. ganun ung suspetsa ko eh, pero ill check na rin, thanks for the tip!

  7. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #7
    basa pa rin guys, pero nga lang parang moist na lang, pag inaplyan mo ng pressure ung carpet nya wala na excess water pero magmomoist pa din ung kamay mo, buti nga walang amoy, maski amoy na basahan eh, ang baho pa man din pag nagkaganun,



    tapos ung nasa pic, ung may white line sa carpet un ung parang may moist wet pa, tapos look at what the water did dun sa parang rubber na nakadikit, natutuklap na ung part na yan, buti nga hindi buo, ung part na natutuklap un ung basa ung mga part na intact pa din un eh ung part na hindi basa, including na din un under the pedals na flooring.



    tapos etong another pic is a view from ilalim ng drivers side, parang medyo awkward ung pagkakuha ko, ung nasa white circle eh ung tire sa kabilang side para mavisualize ng maaus.

    ngaun ko lang nakita yang nasa red na circle, yan kaya ung ibig sabihin ni sir XTO na rubber cap? intact naman siya, kinapa ko nga and hindi ko matanggal eh.

    more tips pa guys para mabilis mapatuyo ung carpet, so far hindi siya evaporator drippings, i had once had that problem pero not on the drivers side tumatapon pero sa passengers side, and so far, aus na un, wala nang drippings from evaporator. hindi ko pa ngaun alam kung san nanggaling talaga ung pesteng tubig na yan hay

    baka may idea kau jan kung panu mapatuyo ito ng mabilis, iiisip ko taungan ko nung chamois towel madami naman ako nun para masipsip ung water/moist overtime.

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #8
    good X-isle at walang cracked or opening sa floor. malinaw ba yung tubig? pwedeng tubig ulan yan or during car wash, kung medyo marumi, baka talsik from wheels naman. suggestion ko lang bro, kung di maalis ang carpet totally subukan mo maangat at tapatan ng industrial or malakas lakas na electric fan para matuyo.

    then iwas mo muna sa baha para isa isa lang observation. check mo gutters and rubber ng pinto particular sa driver's side. yung left sidings sa baba ng dashboard kung may basa baka sa windshield galing, firewall sa likod ng pedals kung may gapang na tubig. baka dun dumadaan ang tubig ulan.

    pag nakita mo tsaka natin tapalan ng epoxy goodluck

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #9
    nagkaganyan din sa oto ko.
    hula ko galing sa payong at sapatos ko kapag sumasakay ako ng oto.

    natuyo rin naman sa init ng araw sa parking, inaalis ko muna ang matting sa driver side kapag iniiwan ko dito sa office parking lot namin. wala naman amoy mabaho kasi meron akong baking soda na pang-refrigerator (arm&hammer brand), taga-absorb ng odor sa loob ng oto.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #10
    nagkaganyan din sa oto ko.
    hula ko galing sa payong at sapatos ko kapag sumasakay ako ng oto.

    natuyo rin naman sa init ng araw sa parking, inaalis ko muna ang matting sa driver side kapag iniiwan ko dito sa office parking lot namin. wala naman amoy mabaho kasi meron akong baking soda na pang-refrigerator (arm&hammer brand), taga-absorb ng odor sa loob ng oto.

Page 1 of 2 12 LastLast
Basa yung parang flooring sa driver's side