guys I know some of us in here have already experienced this pero ako first time pa lang kaya hingi ako advice sa inyo, kasi ung handle ng doors ng sasakyan ko eh nasira, sa labas na part ng door, naputol ung handle, kaya the only way to open it is through the inside,
1) is there any way na mapapalitan ung mismong handle ng door??
2) if there is, are there any possibilities na may "color" na ung ipapalit na handle? or single color lang talaga, ikaw na bahala magpinta para mag match sa color ng sasakyan?? pangit naman kasi kung hindi match sa ibang handles tsaka sa color ng sasakyan diba??
3) magkano kaya ang magagastos ko dito??
4)may marerecommend ba kau kung san pwede? kasi may nagsabi sakin sa banawe, eh, saan naman dun minsan lang ako magpunta dun eh, eh wala naman ako kilala dun na may alam sa ganito baka magantso lang ako dun.
Yup sa Banawe nga, madaming surplusan dun. Pwedeng lapitan mo lang yung mga amuyong dun na pagala-gala, tapos abutan mo na lang pag may nakuha na sila. Most of the time, may mga kakilala din silang marunong magkabit ng door handle, kaya dun mo na rin pakabit.
Tip: Tatagain ka nila sa presyo, kaya tawaran mo na lang. Pag masyadong mataas, sabihin mo hahanap ka na lang sa ibang surplusan, at akmang aalis. Baka ibibigay na nila yun sa presyong gusto mo.
sige try ko ngayong sabado, thanks sa tip, hehe, expected ko na ung pangtataga, hehe, cge gagawin ko tip mo, anyways, does it come in colors ba? para di na hassle magpapinta... what do you think?
saang side ng banawe ako makakabili nito? sa may mayon side ba or sa may quezon ave side? sure kayo madali lang mag install nito?? ang handle na sinsabi ko dito guys ung bukasan ha sa labas na part... paano makakabit un eh parang ang hirap nga tanggalin hehe