New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 17 of 17
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #1
    Badtrip kanina binaha sasakyan ko. Hindi naman pumasok sa loob ng tubig iyong sasakyan. Kala ko kasi kaya dahil sa unahan ko may nakaparadang pickup at hindi pa babad ang gulong so kala ko ok. Paglusong ko lintek biglang lumalim at nasa headlights na iyong tubig. Pansin ko nung inuusad ko iyong sasakyan bigla na lang nawawala iyong ilaw. pero nung binackout ko naging ok na ulit. Nawawalan din ng hatak iyong sasakyan palusong kaya nagdecide akong magbackward buti na lang umatras pa sasakyan ko kung hindi yari ako.

    Tanong ko lang may nasira na ba sa sasakyan ko kaya nawalan ako ng ilaw? At baket ako nawalan ng power sasakyan. Power in the sense na parang mamamatay na iyong makina ko? Pinasukan na ba ng tubig iyong makina? Worrry ko kung nadamay iyong computer nung sasakyan.

    Ipapacheck ko na ito sa mekaniko ano ba ang mga usual steps para ipa check ang dapat ipacheck at itanong sa kanila ang dapat itanong?

  2. Join Date
    May 2007
    Posts
    236
    #2
    bro,da best na ang ipacheck mo agad sa iyong mekaniko ang car mo.sabihin mo lang kung ano eksakto nangyari.sana wala problem computer box mo.next time wag mo na ulitin.ako dati eh distributor ang nadale nung dumaan ako sa baha.kaya ayaw ko na umulit he he he . . .

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #3
    pre ano iyong distributor? ano ginagawa ng distributor?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #4
    possibly nagkaroon ng short (dahil sa tubig) somewhere and probably what you have on the wire na nagshort ay circuit braker and not fuse kaya nung nawala ang tubig bumalik ang koryente... my my wild hula.

    generally sealed ang engine, the only way water can get in is the air-intake (carburator or EFI opening) and tambutso (or exhaust line).

    have your wheel bearings re-packed too while you're at the talyer.

    next time gawin mo na lang SUV or pick-up ang ride mo... para wala kang worry na ganya.

  5. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    3,848
    #5
    replace the oil, plugs and air filter.

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #6
    Quote Originally Posted by speedyfix View Post
    replace the oil, plugs and air filter.
    pards advisable din ba ito maski na kakapalit ko pa lang ng oil, spark plugs and air filter? nakaka 500km pa lang takbo ko since nagpalit ako ng mga iyon.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,375
    #7
    yup, better to spend on those things than to spend a whole lot for possible engine damage if there is water contamination inside.

    pacheck mo rin yung wheel bearings, paregrease mo.

  8. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    3,848
    #8
    see if it's contaminated siguro. if it is then palit na.

  9. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    87
    #9
    -yup tag ulan na nga. tanchahin na lang ung langit kung bubuhos ng malakas at wag na mag sugal na dalahin ung mahal nating auto. patila muna at mag pababa ng baha.kung no choice at kelangan sulungin ung baha patayin aircon radyo at ilaw and pray.

  10. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #10
    hehe had this exp when i was still studying in ust, umulan bgla ng malakas tpos pinauwi na lahat, e bglang naipit ako sa espana, at sobrang traffic at baha, literal nagparang jacuzzi(tama ba spelling?) ako sa loob ng kotse ko hanggang bewang ko tubig, it was an 89 corolla 1.6 gl, ang ginawa ko nun d ko hinyaan ibaba ung gas para di pumasok sa tambutso tubig hanggang makarating ako ng erod, ngawit na ngawit ung mga paa at binti ko, tpos nung nakaalis nko sa baha tumigil ako sandali sa may shell station tpos sabi sakin ng mga tao dun, pano ngyari na nakasalba ka dun, samantalang ung mga pickups at jeepneys na naksabay ko nagsitirik at tinutulak na. sagot ko lang mahal ako ni Lord sabay ngiti sa kanila. after that nagpachange oil, tune up, palit air filter, alternator, timing belt, interior detail, at carpet shampoo lang ayos na ulit as if nothing happened at all. kaya dun ako bumilib sa sasakyan na yun, sobrang tibay, pwedeng pang off road at bahaan. sigro dahil narin ung mga 89 corollas nun ay assembled pa sa japan kaya talagang matibay.
    Last edited by 170kphlang; May 30th, 2007 at 10:49 PM. Reason: add info

  11. #11
    gasolina pala makina nyo, maamtay/hihina ang kuryente kasi lubog ang alternator nyo...pandinin mo may ilaw-warning.. pero kung nawala nga ang ilaw, nag-short, pumasok tubig sa terminal ng headlight mo.

    kaya sa susunod, sisiguraduhing mabuti ang baha bago lumusong--> muntik na din ako mabiktima ng ganyan--> kia pride dala ko, e balak ko sumunod sa patrol, buti nalang di ako sumunod( nakita kong halos 1/2 ng ng gulong--> ung spare tire na nakasabit sa door ang lalim ng tubig at mga 100M away pa ako sa patrol....

    check also the brakes, axles, steering racks, at tranny for water contamination...

  12. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #12
    You also have to check your wheel bearings for water contamination. Have the wheel bearings repacked if it's contaminated

  13. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,063
    #13
    Quote Originally Posted by 170kphlang View Post
    hehe had this exp when i was still studying in ust, umulan bgla ng malakas tpos pinauwi na lahat, e bglang naipit ako sa espana, at sobrang traffic at baha, literal nagparang jacuzzi(tama ba spelling?) ako sa loob ng kotse ko hanggang bewang ko tubig, it was an 89 corolla 1.6 gl, ang ginawa ko nun d ko hinyaan ibaba ung gas para di pumasok sa tambutso tubig hanggang makarating ako ng erod, ngawit na ngawit ung mga paa at binti ko, tpos nung nakaalis nko sa baha tumigil ako sandali sa may shell station tpos sabi sakin ng mga tao dun, pano ngyari na nakasalba ka dun, samantalang ung mga pickups at jeepneys na naksabay ko nagsitirik at tinutulak na. sagot ko lang mahal ako ni Lord sabay ngiti sa kanila. after that nagpachange oil, tune up, palit air filter, alternator, timing belt, interior detail, at carpet shampoo lang ayos na ulit as if nothing happened at all. kaya dun ako bumilib sa sasakyan na yun, sobrang tibay, pwedeng pang off road at bahaan. sigro dahil narin ung mga 89 corollas nun ay assembled pa sa japan kaya talagang matibay.

    +1 sa rolla mo bro.. sarap talaga tong assembled from Japan ..galing mo mag isip! hehehe

  14. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #14
    pero mga peeps baket ganun, iyong sasakyan ko parang walang nangyari? based dun sa markings ng dumi parang hanggang bumper lang iyong baha, kaya ko naman nakitang hanggang ilaw eh dahil baka siguro habang umaandar ako eh syempre tendency ng tubig eh tumilamsik sa ilaw.

    Anyway sige papatuneup ko na lang ulit ito.. haay gastos ulit. Pre, sa ngayon para talagang walang nangyari except sa pag tilt ng plates ko dahil sa pagbackout ko sa baha (haha JDM pautot). Ilaw ko gumagana naman at walang fog sa loob ng ilaw both sa harap at sa likod. signals gumagana. at pre nung nawalan pala ako ng ilaw walang mga amber sa check engine lights at kung ano mang warning amber, pero nung nakawala agad ako may ilaw naman (back to normal)

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #15
    lumubog yun ilaw mo kaya parang namatay siya. buti nag backout ka.

  16. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #16
    palit ka den ng gear oil.

    and have your brakes cleaned.

  17. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    87
    #17
    hehe . nagkaron ka ng tilted plates ng di oras baka hulihin ka pulis.joke lang ha.nangyari na din sa kin yan sa espanya sa isang iskinita dun.ung skin naman bewang taas din kaso la na galawan talaga.91 ef na civic dala ko nun japan made din. no choice overnight kame ng auto ko sa kalye along with other cars.ginawa ko pinatay ko makina at tinakpan ng supot ung tambutso.at natulog sa nakaparadang jeep sa tabe ko.la na talaga galawan e. pag dating ng umaga dun lang nagalawan ung mga auto. one click at andar na ulit. katakot takot lng na detailing ung inabot ko sa loob.i mis that car dame namin adventures nun sa baha.ok na ok pa din sya kikita ko pa din sa pinagbentahan ko paminsan minsan

Binahang sasakyan help please