New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    18
    #1
    Good Morning Mga sir!


    Kamalas malasan, while driving along edsa. napansin ko nag loose yung break ko, at minalas my nabangga ako inova bigla kasi siya nag preno. Tumama ako sa likod nya, Eto ang damage. umangat yung hood ko then sa kanya nman may butas yung rear bumper nya sa likod(3 maliliit na butas since yung corner ng hood ko tumama, pumasok kasi yung bumper ko sa ilalim nya bale tumama yung point corner ng hood). Nag usap naman kami ng driver wla naman init ng ulo ngyari madali siya kausap. Naawa ako kasi may matanda silang kasama. Kaya sabi ko aregluhin nlang. Mga magkano kaya paayos ng butas na bumper nya maliit lang parang binutas ng screwdriver since un corner ng hood ko tumama.

    Tapos yung bumper ko na umangat magkano din kaya aabutin? Wala kasi akong insurance tinanong ko naman siya, mukang walang alam sa papeles ng kotse yung driver eh.

    Hingi po ako ng suggestions kung ano ba dapat gawin ko since wala akong insurance dahil ipaparenew palang this week. Malas talaga. Kung my insurance naman dapat pa bang ipaabot yung mga ganitong scenario mali-liit lang naman ang damage?

    Maraming salamat po!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    hmmm. not sure on the innova repair, pero depende yan sa shop na papasukan nya.... para fair, just tell the owner of the innova that you will just be paying for the participation costs ng insurance nya (sure naman ako meron sya), para he can get the quality repair that he wants.

    on your damage. last year, nangyari din sa akin yan.... nabangga ko ang likod ng escape using my sentra. while the escape only had some minor scratches and broken sensors, yung sentra ko, umangat yung hood, na disalign yung parang front pillars. buti na lang hindi inabot yung radiators and other components inside. as far as i remember, eto ang ginastos ko.

    4k - alignment nung pillars
    5k - repainting the hood and nung bumper.

    tapos i've paid around 7.5k for the participation cost nung escape na nabangga ko.

  3. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    18
    #3
    boss walang damage yung bumper ko eh. double check ko kanina yung hood lang talaga umangat at my konting tupi yung magkabilang corner ng harap. sa kanya naman may butas.

  4. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    18
    #4






    Eto po yung picture ng bangga

  5. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,036
    #5
    mga 2k or less damage nyan hood sa suking paintshop. mas mahal sa PDR pag ganyan

  6. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    754
    #6
    kung ako ikaw sir,

    kung wala talaga iba damage sayo kundi hood lang,
    papacheck ko sa latero kung magkano aabutin sa kanya,
    at the same time, checheck din ako ng surplus hood,

    angat nadin na kasi sya according sa pics.

    if konti lang naman difference,
    or marami naman resources
    sa surplus hood nalang ako,
    paparepaint mo pa yung naunat na hood,
    ganun din, parepaint mo nalang yung surplus hood.

    atleast, alam mong hindi pa lamog yung yero
    and siguradong pantay padin yung bagsak.

    kung malaki difference.. kuha ka magaling na latero.
    para sakin kasi, yung "bagsak" ng hood ang importante,
    hindi lang yung basta maunat or magmukang walang bangga lang sya.

  7. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    18
    #7
    pinaunat ko yung hood ko kanina sir DIY lang binigyan ko ng 100 yung latero man. ok na sya. tingin nyo dapat ko pa ipacheck kung my na dis-align? delikado ba since long drive ako papunta ng province this week eh. pero ok naman siya kasi tingin ko tlaga yung hood lang kasi mataas yung inova un bumper nya mataas. ang problem ko nalang ngayon yung bumper nya mga magkano kaya aabutin?

  8. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    754
    #8
    Quote Originally Posted by floss13 View Post
    pinaunat ko yung hood ko kanina sir DIY lang binigyan ko ng 100 yung latero man. ok na sya. tingin nyo dapat ko pa ipacheck kung my na dis-align? delikado ba since long drive ako papunta ng province this week eh. pero ok naman siya kasi tingin ko tlaga yung hood lang kasi mataas yung inova un bumper nya mataas. ang problem ko nalang ngayon yung bumper nya mga magkano kaya aabutin?

    hindi naman sa delikado sir,
    yung bagsak lang pag sinasara yung hood,

    nakakairita lang kung mauuna yung kabilang side tumama sa stopper then sunod yung kabila
    or
    sabay nga, pero angat padin yung isang side.

    check mo nalang sir ng mabuti.
    kung okei naman yung gawa, good na yan.


    bout the innova sir, medyo no idea,
    hintay nalang tayo ng ibang tsikot member's reply
    regarding that query.

  9. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    18
    #9
    ok naman pagkakalapat nung hood sir! paayos ko nalang un dent kapag pinarepaint ko na yung kotse. problem ko nalang ngayon un inoova. hinda pa ako tintxt nung driver eh sabe ko kontakin ako pag hindi na siya busy.

biglang preno banggaan