Mga Sir,

Ganito po yun, kagabi di ko ma-start yung sasakyan ko. namatay yung mga ilaw niya sa dashboard panel. ayaw din mag-start.

check namin yung battery, binuhusan ng tubig tapos konting linis. biglang ok na. nag-start uli.

then i notice, na pundido yung tail light. ginawa ko tinanggal ko yung bulb.

then..nakauwi na kami.

this morning habang nag-drive me. pansin ko yung speedometer eh hindi gumagana.

then napansin ko rin biglang lumabas yung symbol (in orange color) ng check engine.

normally kasi hindi ito lumalabas eh.

ano po kaya mga sir ang problema?