May problema ako sa kotse ko na 2005 Toyota Vios 1.3E Manual. Nung isang araw, sumayad nang malakas yung kotse ko, kumayod yung bandang ilalim ng bumper. Biglang umilaw yung engine sensor Pinatingin ko sa mekaniko ko. Ang ginawa nya, binunot niya yung positive terminal ng baterya. Nawala yung ilaw ng sensor. Ang sabi nya, kapag nangyari uli ito, sira yung sensor.
The next day, nalubak yung kotse ko. Biglang umilaw uli yung sensor. Dito, nagkaroon ako ng kutob na baka may maluwag na sensor sa engine.
Tanong ko: Alin parte kaya ng engine yung may maluwag na sensor?