New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 32
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #11
    Minsang umuwi ako sa atin, pag report ko sa POEA, bumagsak yung mga computers nila (malas talaga!), tumigil ang trabaho. Yung mga tao sa mga counters, nakatunganga, tsika-tsika, kumakain. Lumabas yung department head nila, at nakiusap sa mga OFWs, "Pasensya na po, wala kaming magagawa. Hihintayin po nating mag-online yung mga computers namin. Parating na yung IT namin para i-check yung problema."

    No choice ako. Naayos naman, after almost 5 hrs of waiting ... gabi na nang lumabas ako ng POEA......

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #12
    No choice ako. Naayos naman, after almost 5 hrs of waiting
    tagal non 5 hrs,mahalaga kasi ang oras sa mga OFW ,dami mo na din sana nagawa sa family mo or sa house ninyo,

    ang style ko minsan sa ganyan ay punta ako ng early morning para mauna sa Pila or go ako ng late afternoon para konti na din ang pila or minsan wala pa nga
    (wag lang peak season)

  3. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #13
    experience ko dyan sa POEA, may research sis ko so pinapunta nya ako sa POEA kasi wala siyang time. So nagtanong tanong ako sa mga tao dun about dun sa pinapahanap ng ate ko. Pagdating ko sa window nag tanong ako dun sa isang babae at sinungitan at dinabugan ako. Kainis! nagtatanong ka ng maayos ganyan pa attitude nila sayo.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #14
    Quote Originally Posted by carlocaraddict
    Pagdating ko sa window nag tanong ako dun sa isang babae at sinungitan at dinabugan ako. Kainis! nagtatanong ka ng maayos ganyan pa attitude nila sayo.


    Nakow....Sir Carlo, tambak ang masungit sa POEA! Matindi ryan.....



    OT Sir....Okay yang sig mo ah. "Tasty bread on the move". He-he, nakakita na ako nyan....sagwa nga ng design, korteng tasty!

  5. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #15
    pag pasok mo pa lang ang panghi na ng maamoy mo, tapos sa loob yung mga bayani kung saan saan nakasalampak wala man lang matinong waiting area. tapos mga employees sinisigawan ang mga bayani kasi daw kung saan saan sila naka upo.naku po mga bayani talaga kawawa...tama nga yun ang daming masungit dun, poea edsa

  6. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #16
    at totoong nakikipag kuwentuhan lang sila dun. since nasa window ako nun (2nd floor), nasilip ko na ganun sila. So after nun sinungitan ako, pinapunta ako sa isa pang window na walang tao, antayin ko daw. Nakita ko dun may mga nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nag mamanicure, kumakain ng chippy. At finally dumating na yung taong hinihintay ko. Medyo masungit din. So when i left, binigyan ko siya ng ngiting aso. hahahahah.

    Bulok na nga yung building, bulok din yung mga ugali ng mga employees dun. tsk tsk tsk.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #17
    Quote Originally Posted by carlocaraddict
    at totoong nakikipag kuwentuhan lang sila dun. since nasa window ako nun (2nd floor), nasilip ko na ganun sila. So after nun sinungitan ako, pinapunta ako sa isa pang window na walang tao, antayin ko daw. Nakita ko dun may mga nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nag mamanicure, kumakain ng chippy. At finally dumating na yung taong hinihintay ko. Medyo masungit din. So when i left, binigyan ko siya ng ngiting aso. hahahahah.

    Bulok na nga yung building, bulok din yung mga ugali ng mga employees dun. tsk tsk tsk.

    typical government office.
    try visiting LTO las pinas bro. mas masahol pa dyan makikita mo.

  8. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #18
    teka, may gusto pa akong ishare, rename ko itong thread heheheh

    isa pang govt agency, sa Lingayen Pangasinan, yung LRA

  9. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #19
    eto ang isa pang malufet na gov't agency ang Land Registration Agency sa Lingayen

    Dito nag papaayos ng mga land titles. Eto sa LRA Lingayen. One morning, nagpunta kami dun para maayos yung land title ng property namin. maaga kami dun, mga 7:30am. So antay kami ng 8am. so 8am na di pa dumadating yung mga employees. so mag 9am na, nagsisimula magdatingan pero pakonti konti lang. mga 9:30am dumadami na yung mga employees pero di sila agad nagtatrabaho. Yung iba, kumakain pa, nagyoyosi, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Nacurious ako kasi yung mga employees dun naglalog in (nagsasign ng paper). So pasimple ako at sinilip ko yung time-in time na nilalagay nila, aba ang mga loko 8am ang nilalog nila..

    Tapos yung boss nila tanghali na dumating. Ang masama pa dun, corrupt pa siya. Iniipit ng land title namin tapos puro excuses and pasimpleng nanghihingi ng lagay. Naginit na nga tenga ng mom ko pero hindi nya tinolerate yun actions ng mokong. Kinausap nya ng masinsinan at nakuha namin yung gusto namin without tolerating his actions.

    Sabi samin, kaya ganyan mga tao dun kasi daw di minomonitor (province kasi eh).

  10. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    1,859
    #20
    di lang yan!! walang pagbabago sa systema nilang mabagal...uwi ako this wkend...3rd uiw ko this yr and im expacting the same process again sa pagkuha ko ng oec...fifillup ka ng form na halos yn lng din ang sinusulat mo kada uwi mo..my pt is sana computerized lahat..pagenter ng name mo lalabas lahat ng infos at itatype n lang kung may uupdate. para nga lng kaming OFW niloloko sa sysytema nila eh!!!!

    pero maswerte p rin ako kahit pano...kasi poea clark lng ako eh....alang pila..hehehehe!!!

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
POEA Office (edsa) Pabulok Na! and other bulok gov't agencies