New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 32
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    Pauwi na naman ako, kaya makikita ko na naman itong POEA office natin.

    Kada bakasyon ko, napapansin ko na walang improvement yung POEA Bldg. sa EDSA, habang tumatagal, lalong nagiging bulok! Yung Balik Manggagawa Center sa Grd. Floor., nakakaawa na ang lagay. Yung TV, na dating may cable, madalas patay. Yung AC, mahina, at yung mga elect. fans, madalas patay din kaya paypay na lang. Noong huling uwi ko, may isang babae, na natumba, dahil yung plastic na silya na kinauupuan niya sa pila, biglang bumigay! Yung CR, naku po! Ang panghe at sira-sira yung mga urinals at bowls. Ang canteen, di ko alam kung ano ang ibinibenta......pagkain ba o house and lot? Ang sistema sa pag-process ng papel, inaabot ng halos isang araw. Pero last December, may napansin ako, may "numbering system" na sila!

    Nagtataka naman ako, sa dami ng OFWs, ang laki ng ibinabayad natin, bakit di man lang ma-improve ng POEA yung office nila? Calling POEA, ayusin niyo naman yan, para matuwa naman ang mga OFWs, tuwing bakasyon namin! Halos lahat ng mga balikbayans nagri-reklamo sa hitsura at serbisyo ng opisina niyo.

  2. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    705
    #2
    bakit pa tinawag na bagong bayani ang mga OFW kung di bigyan ng magandang serbisyo ng gobyerno??saan napupunta ang mga contribution ng mga OFW sa OWWA at mga ibinabayad sa POEA??

  3. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #3
    dati alam ko bulok na pero ngayon mas bulok na pala...

    kaya sa baguio or sa launion poea na kami pumupunta pag umuuwi kami...

  4. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #4
    baka nagpapakabayani na din sila, mas ginagamit ang funds para sa mga OFW services kaysa sa sarili nilang office ...

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #5
    baka kulang daw bigay kasi napupunta sa mga mataas na pwesto un kalakihang parte ng pera hahahaha

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,704
    #6
    Eh, hello? Di ba ang laki ng budget ng education dito, kaawa-awa naman ang itsura ng mga opisina ng Dep Ed at CHED? Puro mga squatter pa sila! Ganoon lang yun, no budget ever goes to improving the offices of government agencies.

    Ang pagbalik ng comeback...

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    417
    #7
    The budget goes to the improvement of the officials' mansions and vehicles!

    Kaya naman o parang d nyo pa alam hehe.

  8. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    354
    #8
    kaya nga tinawag na 'BAGONG GATASAN'... oppps 'BAYANI' DAW pala.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #9
    Quote Originally Posted by niky
    Eh, hello? Di ba ang laki ng budget ng education dito, kaawa-awa naman ang itsura ng mga opisina ng Dep Ed at CHED? Puro mga squatter pa sila! Ganoon lang yun, no budget ever goes to improving the offices of government agencies.
    yup... least priority ang maintenance ng buildings sa budget...

    to drive to the point... 70% of our national budget goes to paying debts incurred since the time of Macoy....

    and, you don't see salaried workers / company officers complaining about BIR offices. hehe.

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #10
    Quote Originally Posted by chua_riwap
    Pauwi na naman ako, kaya makikita ko na naman itong POEA office natin.

    Kada bakasyon ko, napapansin ko na walang improvement yung POEA Bldg. sa EDSA, habang tumatagal, lalong nagiging bulok! Yung Balik Manggagawa Center sa Grd. Floor., nakakaawa na ang lagay. Yung TV, na dating may cable, madalas patay. Yung AC, mahina, at yung mga elect. fans, madalas patay din kaya paypay na lang. Noong huling uwi ko, may isang babae, na natumba, dahil yung plastic na silya na kinauupuan niya sa pila, biglang bumigay! Yung CR, naku po! Ang panghe at sira-sira yung mga urinals at bowls. .
    napansin mo din pala Bro Chua,iyan nga lagi ang topic doon ng mga OFW habang nag hihintay ng tawag nila sa window,saan daw ba napupunta ang binabayad ng mga OFW?

    lalo na kung napapasyal ka doon sa higher floor nila,may mga leak ng tubig sa floor ewan ko kung tuwing dumadaan ako lalo yata dumadami ang mga butas or leak ,doon kasi nag audition mga Japayuki sa itaas,pag may aakyat makikisabay ako para makapanood ng mga sayaw,pag sinita naman ako ng guard ,mag pretend ako na syota ko ang isang sumasayaw na dancer (sabay kaway).hehehe abswelto ka na sabhin mo hinihintay mo lang at matatapos na dance number nila

    Ang canteen, di ko alam kung ano ang ibinibenta......pagkain ba o house and lot?
    hahaha sinabi mo pa , pati life insurance yata ini offer na din

Page 1 of 4 1234 LastLast
POEA Office (edsa) Pabulok Na! and other bulok gov't agencies