
Originally Posted by
yebo
ako ay isang ofw pero HINDI ako sangayon dito
tama, nabawasan na ng 18% ang halaga ng dolyar (mulaP55/1USD bumaba sa P45/1USD), pero di naman ako nagbabayad ng tax. kung sa pinas ka nag-work, maliit na sweldo mo may tax pa. isipin nyo na lang na yan ang "tax" natin, ang tulungan ang economy ng bansa na makaahon sa utang. isipin, pag mas mababa ang dolyar mas mabilis na mababayaran ng bansa ang utang sa labas. wag na natin ipasa pa ang utang na yan sa ating mga apo, bayaran na natin habang nabubuhay pa tayo.
saka kung hindi nangyari yung asian financial crisis nung 1998, e 'di sana ngayon P25/1USD pa din ang palitan ng dolyar. bakit nung biglang naging P55/1USD e ang saya-saya nating mga OFW. biglang bagsak ang economy nuon pero masaya tayo. o di ba, aminin! pero ngayon nakabawi na ang economy, malunkot ka, magrereklamo ka? dat's unfair! (with matching taas ng kilay yan, makuha ka sa tingin!)
lahat tayo dapat sama-sama sa pag-tayo ng "bahay" natin, ang bansang pilipinas. hindi pwede na walang sakripisyo. yung mga nagtratrabaho sa pilipinas nagsasakripisyo sila na nagbabayad ng tax. tayo din sakripisyo din dapat. tax free tayo, pero ang ating kontribusyon sa bansa ay ang pagpapadala ng dolyar na kelangan ng bayan para mapagawa ang mga bagay na kasama din naman tayo na nakikinabang.
isa pa, kung isa kang ofw, e di alam mo na hindi lang naman mga overseas pinoys ang apektado nito kundi lahat. kahit anong lahi ka pa, kahit isa ka pang amerikano, apektado ka dahil mas mababa ang halaga ng dolyar mas konti ang mabibili mo. ang mga ibang lahi na nagtratrabaho sa labas ng kanilang bansa, dolyar din ang sweldo, bumaba din ang palitan sa kanilang mga bansa. kaya ano ba ang naiba sa dugo mo at dapat exempted ka sa katotohanan sa mundo?
hindi po pwede ang puro sarap. nawala na kasi yung "bayanihan" sa atin e. kung sama-sama tayo na tutulong, sama-sama din tayong aahon.
yun lang po. baw.