New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    Lugi raw ang PAL sa rutang ito, beacuse of the stiff competition with other ME carriers.

    Sa akin lang, nakakahiya ang pangyayaring ito. Considering na napakaraming Pinoys sa Saudi, iyong flag carrier pa ng Pinas ang umatras, nakakahiya di ba?
    Stiff competition with other carriers? Sana tanungin nila ang sarili nila (PAL), kung bakit nangyayari ito. Bakit ang mga Pinoys, mas pipiliin pa ang C. Pacific, Saudia, Gulf Air, Emirates, etc.

    Simple lang ang sagot: maganda ang serbisyo, ON TIME ang mga flights, at yung mga flight stewardess nila, hindi suplada.

    Hindi sana mangyayari ito kung sana, in-improve ng PAL ang serbisyo nila. Eh, wala eh, kaya, bye-bye na lang sila.

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    236
    #2
    Yon nga ang masama ang tingin naming mga OFW ngayon eh inabandona kami ng PAL. Dami pa naman naka booked pauwi nitong summer sa pinas, eh dahil sa kanilang ginawa eh nagkaroon ngayon ng unbalanced flow ng mga pasahero. Kahit saan ka tumingin eh karaniwang fully booked na mga ibang airlines. Mas nakakaawa yung mga nakabayad na sa mga ticket nila dahil ang balita ko eh super bagal daw mag refund ng PAL. Pera mo na nga na nagamit nila, di mo pa makuha agad. Kaya ako baka di na ako sasakay ng PAL kung maiiwasan ko. Anhin mo ang airlines na wala din naman pakialam sa mga taong tumatangkilik sa kanila. :fire:

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #3
    malaki nga kahihiyan iyan dami ng Pinoy doon
    every year dumadami ang mga OFW sa Saudi
    i heard around 900K na mga pinoy sa KSA..tapos ngayon pa nila plano alisin ang PAL sa KSA ayusin lang nila serbisyo nila baka bumalik pa mga tao sa kanila


    kaya sila nabansagan na PAL = Pal Always Late

  4. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    236
    #4
    Siguro lalo lang hihina ang sales nila sa ginawa nila. Sabagay kung palpak nga serbisyo nila eh di nakakapagtaka na mawala din sila sa kumpetisyon. Di siguro nila naiintindihan na karamihan ng ordinaryong manggagawa kaya PAL ang pinipili, bukod sa simbulo ng pinas eh madaling makipagkomunikasyon sa mga stewardes at ibang kawani dahil tulad din natin sila na pinoy. Di rin naman mura ang singgil nila, kumpara nga sa isang flag carrier din ng ibang bansa eh mas mataas pa nga sila ng kaunti.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #5
    Isa lang ang masasabi ko........

    Mabubuhay ang mga Pinoys sa KSA na wala ang PAL! Sino tinakot nila!

  6. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    236
    #6
    Tama ka tsong.. dami naman biyahe pauwi ng pinas iwas PAL na talaga!

PALTo Stop Riyadh-Manila Route Starting March 2