New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    OWWA Bankrupt?

    Inilutang kahapon ni Senate minority leader Aquilino Pimentel Jr. ang pangambang bangkarote o said na ang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kaya’t ang national government na ang naglalabas ng pondo para sa evacuation at repatriation ng mga kababayang manggagawa na naiipit ng giyera sa Lebanon.

    Kinuwestyon ni Pimentel kung bakit humihingi pa ng augmentation fund ang Malacañang samantalang may P7.6 bilyong pondo ang OWWA na paulit-ulit na sinasabi ng tanggapan na ‘intact’ at ginagamit na diumano ngayon para sa krisis sa Lebanon.

    Hindi itinago ng senador ang pagdududa kung totoong may pera pa ang OWWA dahil hirap na hirap ngayon ang gobyerno sa paghahagilap kung saan huhugutin ang repatriation fund.

    "This is a glaring proof of the allegation that the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Fund has been used for purposes other than the welfare of the OFWs," ani Pimentel.

    Dahil dito, iginiit ng senador sa Commission on Audit (COA) na bulatlatin ang libro ng OWWA upang sa gayon ay makita kung naaayon sa batas ang paggamit ng pondo ng OWWA na kinokolekta sa mga OFWs at dapat ay eksklusibong para sa mga OFWs at kanilang pamilya.

    Matatandaang makailang ulit na nangalampag si Philippine Amb. to Lebanon Al Francis Bichara hinggil sa kakapusan na ng perang panggastos sa evacuation at repatriation dahil naiabono na umano nito ang pera ng embahada bunga ng kabagalan ng pagdating ng pera sa Lebanon
    Iginiit naman kahapon ni Labor Sec. Arturo Brion na hindi nila iniipit o itinatago ang kontrobersyal na OWWA fund para sa paglilikas at pagpapauwi ng mga kababayang nasa war-torn territory sa Middle East.

    Sa katunayan umano, umaabot na sa US$1.5 milyon o P77.34 milyon mula sa OWWA ang nagamit na para sa evacuation at repatriation ng mga nasabing OFWs mula sa Lebanon mula pa noong Hulyo 23.

    Ang nasabing halaga ay 34% ng US$4 milyong inilaan ng ahensya para sa naturang misyon. Sa kasalukuyan ay may 1,344 OFWs na ang naiuwi sa bansa hanggang kamakalawa ng alas-otso ng gabi gamit ang naturang pondo.

    Taliwas naman ito sa pahayag ni Bichara kina Sens. Joker Arroyo at Richard Gordon na budget ng kanyang embahada ang kanilang ginastos sa nakaraang evacuation at repatriation efforts at wala pa umanong naipadadala roon ang pamahalaan sa pamamagitan ng DFA o kahit ng OWWA.

    Nilinaw pa ni Labor Undersec. Manuel Imson na ang nabanggit na US$4 milyon ay alokasyon lamang para sa mga OFWs na gustong umuwi sa bansa. May iba umanong perang inilaan para naman sa reintegration ng mga repatriates at kasama rito ang livelihood at skills training assistance.


    ==================================================


    Langhiya, sayang pala yung binabayad kong OWWA Membership Fee tuwing vacation ko. Ang galing nilang maningil, tapos bangkarote na pala itong linsyak na OWWA na ito.

    Sa dami ng OFWs imposibleng bangkarote ito. P1,270 singil nila sa membership fee kada OFW. Saan napunta pera? Kung totoo man ito, dapat imbestigahan ito!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #2
    nabasa ko sa column ni Mon Tulfo sa Inquirer, if not today, it was yesterday, na ginamit daw ni GMA last election yung pondo ng OWWA by transferring it to PHIC (PhilHealth), kaya siguro nakapagpamigay ng mga PhilHealth cards si GMA.
    Signature

  3. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #3
    Another anomaly in the government. OWWAla na pala ang fund. KaOWWAWA naman tayo dahil sa mga OWWAlanghiyang government officials natin.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #4
    meron akong kilala, dating opisyal ng OWWA, gusto daw i-divert ni GMA ang funds ng OWWA, hindi masikmura ng opisyal kaya umalis na lang sya

    balita ... sinibak yata ang (mga) programa ng Tulfo ... sketchy news ... sinabi lang ni kumander narinig nya sa tv (while in a party) kanina ... meron yata kinalaman si baboy mike ... malamang nasa dyaryo bukas ... abangan

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #5
    Milyon ang OFWs. Lahat yan nagbabayad ng OWWA membership fee. Tapos bankrupt? Hindi ata tama ito.

    Putsa...... kung di pa nagkagiyera sa Lebanon, di pa malalaman ng buong Pilipinas na bangkarote na ang OWWA.

  6. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #6
    bangkarote ang OWWA? grabe pano nannyari yun e ang dami dami OFW's natin...
    mga gahaman talaga mga opisyal na yan

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    787
    #7
    ho hum... what's new

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,704
    #8
    Heck, we knew about the PhilHealth thing way back then... didn't know the money came from there. Ang dami din na-divert for scholarship funds... but the scholars are having trouble getting the money kasi na-divert ulit... ang galing ng government, pare, ambilis mag-move ng pera...

    Ang pagbalik ng comeback...

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #9
    Pero, sa press release ng OWWA, meron daw silang about P8B, na pondo nila. Nasaan?

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    354
    #10
    Quote Originally Posted by chua_riwap
    Pero, sa press release ng OWWA, meron daw silang about P8B, na pondo nila. Nasaan?
    *1270 per OFW sinasabi nila mga mahigit 5M na documented OFW means 6.350B sa isang koleksiyon lang....kung ave ng isang OFW ay 3x na nagbayad di 19B, naku malaki ngang GATASAN ang OWWA.

    NASAAN NGA TALAGA PONDO?

Page 1 of 2 12 LastLast
OWWA Bankrupt?