Gentlemen,
Saan kayo nagpapagawa ng mga rides nyo? Sa casa? Sa isang garage? O may kilala kayong mga mekaniko?
Maganda kung ma-post natin dito para may mga idea tayo kung saan may quality at di gaanong mahal na pagawaan.
Minsan sir sa shuwaikh pero malimit ako magpagawa dito sa Sanaiyah kasi me kakilala na akong mekaniko na dati pa gumagawa ng sasakyan ko.
sa garage kasi minsan high end magpresyo. mas ok kung magsort out muna kayo pati mga parts.
goodluck sir.
Yun mekaniko ko hanggang ngayon ay yun pa ring Bangladeshi na malapit lang sa dati naming flat sa Mangaf. Magaling, mabait at hindi harang kung magpresyo. Forte niya talaga ay Japanese rides. Yun Land Rover ko ngayon ay ipaubaya ko siguro sa kilalang mekaniko ni Mayhem na sa Fahaheel lang. Karamihan kasi sa mga talyer ng Land Rover ay nasa Shuwaikh at medyo malayo na dito sa lugar namin ni Mayhem. Minsan naman kapag may mga kakilala akong mga kasamahan ko sa ospital ay pinapaayos nila sa mga Pinoy na mekaniko ng Toyota, Mitsubishi o Nissan tapos sa isang bahay na lang gagawin. Mas matipid ito kaysa gagawin sa loob ng casa. Gusto rin ito mga Pinoy mekaniko kasi parang extra income ito para sa kanila.
Ganyan din ako. Taga-casa (Al-Ghanim) ang gumagawa ng ride ko. Pinoy ang mekaniko ko. Sideline na lang nga nila. Bale sa flat ko nila aayusin. Ok naman ang charge at mas mababa compared kung sa case mismo. Parang tulong na lang sa kanila at may quality pa dahil alam na alam nila kung ano ang mga gagawin nila.
Meron din akong kakilala na mekaniko ng mustafa karam nasa same biulding kami gang ngaun.
pero some pinoy mechanics dito sa kuwait eh di din pulido gumawa, me hidden agenda ba.. uunti untiin yung paggawa para balik ng balik pay ka din ng pay, lalo kung alam nila kung san tayo nagtatrabaho..hehehe. pero some eh matino din naman.![]()
You are most welcome!
Post lang kayo to make this forum alive.
By the way, yung Maharlika Resto, dun na sila sa gilid ng Al-Muthanna, sa tabi ng isang Indian Resto na ang name ay Tourist Restaurant. Di pa nila napapalitan yung name ng resto nila, pero may sign na nakalagay Filipino Restaurant.
Btw, dun sa mga ppl na mahilig sa buffet at Seafoods, the best itong napuntahan ko. Sa Sea Breeze Seafoods Restaurant sa 19th Floor ng Safir International Hotel, Bneid Al-Gar. Sarap at one to sawa. Super! May mga giant shrimp, lobster, tahong at talaba! Meron fresh at ipapaluto mo kung gusto mo, inihaw is the best! Para kang nasa Dampa!
Sori folks....di car ang napapag usapan... hehehehehe
mga sirs makiki isturbo lang po... matanong ko lang po ok po ba dyan sa kuwait? like mahigpit po ba dyan? how about cost of living parehas lang po ba sila ng dubai which is very expensive?. God bless po sa inyo
Mahigpit? Di rito mahigpit as in Saudi. The only difference is that, walang alak dito at pork products, even though available underground.
There are churches here too. Allowed.
Cost of living, hmmm....sabi ng mga kakilala ko na galing na ng Dubai, mas mura raw dito sa Kuwait. Sa house rentals, halos pareho daw. Parehong mahal. hehehehe.....
Sa pagdating sa pasweldo, depende pa rin, pero sabi ng iba, mas mataas pa rin dito sa Kuwait.
Dito, makakaipon ka kahit paano dahil nga walang alak, disco and bars, na uubos ng pera mo tuwing swelduhan.
A friend of mine who had worked in Dubai for 10 years, walang nainpundar dahil sa good time. i.e. alak, bebot, bowling, disco, payabangan and etc.
But now, nakaipon dito sa Kuwait at nakapagpatayo ng haus na, in 3 years.
Yan ang masasabi ko as I've been here in Kuwait for 13 years.
Yung iba na nandito sa Kuwait, bigay naman kayo ng idea nyo or opinions.![]()
sir thanks sa reply nyo actually meron din kasi offer sa kin dyan sa kuwait sa airport to be exact kaso di pa ko decided ... anyway meron na rin akong mga friends dyan na maganda naman ang feedback sa kin .. confirm ko lang hehehehe.. Sir if I would bring along my family mahihirapan ba ako ?... many thanks ulit and God bless po ..
Madali lang dalhin ang family dito. Kaya lang may salary bracket or requirement. You should be getting a minimum of KD 250 or somewhere around US $900 here. That's the current law here. To get a driving license, you should be earning at least KD 400. Anyway, you should get first your residence or working visa here. Once na ok k na, then u can get your family.
Howdy,
Dto ako sa Khaitan mga boss, this Feb lang. I hope ok lang kayong lahat.
Salamat at may forum for car enthusiasts dto in Kuwait.
Kailangan ko lng ng tulong pagawa tong RAV4 99 model ko, sana mabigyan nyo ko ng kabayan na mekaniko na trusted nyo.
Thanks in advance.
Komusta mga kabayan?
Dito naman ako bandang Jleeb Al Shuyuk.
Ilan ba tayo dito taga Kuwait?