New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 24
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #11
    mga peeps...kumpara noon behave na ang mga customs ngayon lalo na samga balikbayan galing ng middle east. So pag uwi nyo di na kayo makaka encounter ng ganoon.

    me bagong pakulo ang OWWA machine application ng OEC kaso iyong machine nila isa palang at nakapesto pa sa mismong POEA hehehehe.. Tingin ko parang ATM machine iyon eh di ko masyadong nakita dahil di ko pinatos ang alok dahil iyong pesto ko sa pila malapit na sa counter.

    Ganire yan lalapit ang isang taga OWWA at mag aannounce sa mga nakapila na kung gusto nilang mag online application ng OEC at ide deliver na lang ang OEC sa bahay nila in two days pero additional 200 pesos iyon. Last na uwi ko di pumatok kasi di naman ganoon kahaba ang pila pero ngayong disyembre at enero sigurado haba ng pila kaya papatok iyon.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #12
    isa pa pala iyong LAC (Labor assistance Counter). wala na sa loob ng airport nasa labas na sila sa kanan bahagi(pag nakaharap ka sa NAIA) kung saan dati nakapesto ang pagkamahal mahal na restaurant ng airport. (Grabe kasi ulam nila roon 75-120 pesos ang isang ulam lang)

    Mas mainam bago ka pumasok ng airport magpunta ka na muna sa LAC dahil hassle pag nag check in ka muna then labas ka uli at pag pasok mo uli haba ng pila papasok tsk tsk tsk... nadale ako nito last na balik ko di ko kasi alam na lumipat na sila.... haba din pala pila sa LAC sa panahon ngayon.

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    250
    #13
    Quote Originally Posted by fx36
    ty sa tip, lagi kasi akong bayad diyan sa owwa n medicare na yan,.... hindi naman natin alam kung saan napupunta
    OT:
    medicare slahed around 40% off nang hospital bills para sa anak ko. nung nanganak naman si esmi, malaki din ang naitulong.. malaki ang tulong nang medicare for a mere Php900.00

    tip: kontian nyo lang beneficiaries nyo para mas malaki ang makuha nyo sa medicare. ako 2 lang.

    ung owwa insurance - remember that guy who got killed in the khobar terrorist attack? his family got Php200K.. pag na-disable ka you're given Php100K (ata).

    wag nyong maliitin ang insurance mga bros and sis. sabi nga ni ara mina "we can never can tell." ehehehehe!


    Going back..

    i think this "salubong" thing that the government does every christmas season, although i feel that it's a nice "gesture", is purely a waste of time. they could just polish up our political standpoint on our consulates, and embassies. or provide additional welfare for our less fortunate kababayans.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #14
    dagdag ko lang dun sa post ni qman tunkol sa oec na dinideliver sa bahay na may parang atm machine sa balik-manggagawa processing, di lang P200 ang bayad dun mga pards. ganito kasi yun...

    - bayad ka ng P200 para dun sa delivery.
    - bayad ka ng processing fee na P100
    - bayad ka ng owwa saka medicare, KAHIT VALID PA ang owwa saka medicare mo. kahit dala mo pa yung owwa saka medicare papers mo (like i did 4 weeks ago) magbabayad ka dun ng owwa saka medicare. sabi sa akin nung taga-owwa na kinausap ko dun, i-refund daw sa iyo pag deliver ng oec mo. so lahat ng babayaran mo dun ay P2475.

    tanong. paano kung valid pa medicare mo at owwa tapos hindi nila i-refund??? e di babalik ka pa sa poea para magpa-refund??? pipila na lang ako!

  5. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    322
    #15
    maraming salamat sa mga tips nyo.

    balik ako sa Pinas sa Jan 20 para sunduin ang family ko, tapos balik din kami ng KSA after 3 days.

    tanong - san ang pinakamalapit na lugar para makakuha ng OEC? dati meron ata nito sa duty free e. nandun pa ba yun? at ano ang kailangan ko dalin para makakuha ng OEC?

    thanks in advance!

  6. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    137
    #16
    Quote Originally Posted by prinsipe
    maraming salamat sa mga tips nyo.

    balik ako sa Pinas sa Jan 20 para sunduin ang family ko, tapos balik din kami ng KSA after 3 days.

    tanong - san ang pinakamalapit na lugar para makakuha ng OEC? dati meron ata nito sa duty free e. nandun pa ba yun? at ano ang kailangan ko dalin para makakuha ng OEC?

    thanks in advance!
    bro, dito sa qatar may office ang owwa...ang alam ko lahat ng embassy ng pinas dito sa ME mayroon...

    hindi mo na kailangan na pumunta ng poea para lang sa oec....

    everytime i went home dito sa qatar na ako kumukuha ng oec, less hassle, less traffic, & less ng 1 araw na pagpunta sa poea at pipila pa ng mahaba...

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    322
    #17
    Quote Originally Posted by fx36
    bro, dito sa qatar may office ang owwa...ang alam ko lahat ng embassy ng pinas dito sa ME mayroon...

    hindi mo na kailangan na pumunta ng poea para lang sa oec....

    everytime i went home dito sa qatar na ako kumukuha ng oec, less hassle, less traffic, & less ng 1 araw na pagpunta sa poea at pipila pa ng mahaba...
    sir, layo ng Phil. Embassy dito sa kinalalagyan ko ngayon. anyways, salamat!

  8. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    250
    #18
    dati meron OEC sa Phil Embassy sa Riyadh, for SAR10 lang. pero tinanggal na nila ang issuance nang OEC sa KSA. siguro para ma-regulate or ma-pwersa ang mga OFW na kumuha nang insurance sa pinas.

    your best bet talaga eh ung POEA sa ortigas. alam ko meron din mga sattelite offices ang POEA sa mga provinces.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #19
    ang alam ko meron pa rin kuhanan ng oec sa duty free. kasi doon nakuha ang mga kasamahan ko sa trabaho.

    OT.

    panood ko sa tv patrol me mga translator na tinalaga ang gobyerno sa immigration. translator ng ibat ibang lenguwahe.... tanong ko bakit naging problema ba sa immigration ang di pagkakaintindihan ng mga banyaga at immig. officer hehehe... additional job additional payment additional expenses ng gobyerno. bwheheheheh

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #20
    Quote Originally Posted by kingkaboodles
    dati meron OEC sa Phil Embassy sa Riyadh, for SAR10 lang. pero tinanggal na nila ang issuance nang OEC sa KSA. siguro para ma-regulate or ma-pwersa ang mga OFW na kumuha nang insurance sa pinas.

    your best bet talaga eh ung POEA sa ortigas. alam ko meron din mga sattelite offices ang POEA sa mga provinces.
    pagka december at january naglalagay ng sattelite offices ang POEA sa mga mall. Like Robinson Galleria, pero ganoon pa rin haba pa rin pila. Last year sa Robinson ako pumila whew. pila ako ng 2pm kami nag sara ng opis nila past 5 na kami natapos.

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Heroes' welcome for returning OFWs