New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 40
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #11
    Sadik Prinsipe,

    Sa Saudi naman konting adjustments lang. Sabi nga ng mga anak ko, "Sa Saudi, palaging gabi!" Kasi sa gabi lang kami nakakapamasyal. Ang mga shops kasi sa gabi lang bukas!Maraming bawal, pero makikita mo lahat ng katarantaduhan diyan! Bawal ang alak, pero maraming gumagawa, may nabibili pa, illegal nga lang. (Pero pag nahuli ka, patay kang bata ka!) Bawal ang bold films, pero sa Ballad (Jeddah), daming mga Pinoy na lalapit sa iyo, bubulong at aalukin ka. Bawal ang karneng baboy, pero doon sa American Base sa Dharan, nakakabili kami noon ng spare ribs. Bawal ang party, pero...whew! madalas may party, daming nurse! Lakasan lang ng loob iyan eh! Pero kung mahuli ka, masalamah (goodbye)!

    Mas okay ngayon, kasi meron nang AFC (yong cable Filipino Channel). Malakas makagamot ng homesick yan. Noong una, (I worked from 1989-1996), wala, 2 channel lang ang available, yong English at Arabic Channel. Mga palabas mga Tarzan (black & white), lahat censored pa at kalimitan football. Nabubuhay lang kami sa VHS tapes. Noon bandang 1995, meron ng cable TV, at lately, yon ngang AFC.

    Sa Bahrain ang okay, open na open, nagkaroon kami ng project diyan noon. 2 yrs. din ako riyan.

    Gaya nga ng sabi ni Sadik EyesCube, tingnan mong maigi iyong kontrata. Kung okay, tanggapin mo na.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #12
    Kung SAP consultant ka. wag ka na sa SAUDI mag punta di bale sa ibang part ng middle east wag lang saudi.. beratano na ko sa middle east pero never pa ako nag pa assigned sa SAUDI... during 1990's nagalit sakin ang IPAMS kasi ang backout ako sa offer ng ARAMCO sakin.. that time they offer me 6months one month for a bachelor status.. daming nag sabi sakin na good offer na daw yon. buti nalang hindi ko kinagat wala sa ako sa Co. ko ngayon

    Maraming Hiring ng SAP sa UAE sigurado makaka kuha na ng good offer.. Kami nga panay ang upgrade ng SAP dito

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    322
    #13
    salamat sa inyong lahat.

    pero may isa pa akong katanungan? magkano ba yun tamang monthly rate ng isang kagaya ko sa Saudi? wala kasi ako idea e. wala din ako kilalang sap consultant sa Saudi.

    maraming salamat!

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #14
    Originally posted by prinsipe
    salamat sa inyong lahat.

    pero may isa pa akong katanungan? magkano ba yun tamang monthly rate ng isang kagaya ko sa Saudi? wala kasi ako idea e. wala din ako kilalang sap consultant sa Saudi.

    maraming salamat!
    yan ay masasagot ni >>> Nightrock & Ivux-Silver...PM mo sila Sadik(fren)

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #15
    Prinsipe wrote:

    Magkano ba yun tamang monthly rate ng isang kagaya ko sa Saudi?

    Sadik,

    Depende rin kasi sa kumpaniya iyan eh. Merong nambabarat, meron namang malaki ang bigay. Ngayon, depende na yan sa iyo. Usually, kung talagang highly qualified ka, at interesado sila sa iyo, ibibigay nila yong gusto mo.

    Kung naliliitan ka sa offer, makipag-bargain ka. At depende rin iyon sa pangangailangan mo. Marami kasi sa atin kumakagat sa maliit na offer dahil na rin sa hirap ng buhay sa atin.

    Ano'ng kumpaniya ba ang nago-offer sa iyo ng work sa Saudi? Kailangan, iyong refutable at malalaking kumpaniya, at kung maaari, iwasan mo iyong "establishments". Eto yong mga madalas sumisira sa mga kontrata, delayed ang mga pasuweldo!

    Tama si Nightrock! Why not try other places aside from Saudi? Try your luck within SE Asia, or other Gulf Regions like the Emirates. Sa Emirates, open, para kang nasa Pinas din, at sigurado, mage-enjoy ang family mo!

    Ako pag naaalala ko iyong Saudi stint ko? Napapabuntunghininga na lang ako. Haaay! Saudi...........

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,327
    #16
    prinsipe,
    why not try in the US? Yung cousin ko about 4 years ago, nag-apply lang thru internet and he got a job in NY. Ang starting salary nakuha nya is 10K USD! He's also into SAP before sa San Miguel.
    US ka na. Better pay and better place!

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    322
    #17
    Sir IceColdBeer,

    yan nga ang gusto ko sana, kaya lang medyo saturated na ang SAP market sa US, dami kasing nagpuntahang sap consultant dyan nun nag boom ang SAP about 5 years ago. sayang nga before the sept 11 attack for processing na ang visa ko sa US may kumuha kasing company sa akin for an SAP project kaya lang nahinto dahil dun sa sept 11 attack. sayang nga e.

    kaya eto ako naghahanap sa ibang bansa ng trabaho para naman makaipon ng konti para sa pamilya ko.

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    322
    #18
    hi chua_riwap ,

    marafiq yun nag-oofer sa akin.

    sa sweldo naman, malaki kung kumpara mo sa sweldo dito tapos may signng bonus pa. ang inaalala ko lang baka lugi ako - i mean maliit pala yun offer sa akin base sa standanr sa saudi. guto ko nga sana sa ibang bansa kaya lang walang opportunity e.

    bat naman sir napapabunung hininga ka???

    Originally posted by chua_riwap
    Prinsipe wrote:

    Magkano ba yun tamang monthly rate ng isang kagaya ko sa Saudi?

    Sadik,

    Depende rin kasi sa kumpaniya iyan eh. Merong nambabarat, meron namang malaki ang bigay. Ngayon, depende na yan sa iyo. Usually, kung talagang highly qualified ka, at interesado sila sa iyo, ibibigay nila yong gusto mo.

    Kung naliliitan ka sa offer, makipag-bargain ka. At depende rin iyon sa pangangailangan mo. Marami kasi sa atin kumakagat sa maliit na offer dahil na rin sa hirap ng buhay sa atin.

    Ano'ng kumpaniya ba ang nago-offer sa iyo ng work sa Saudi? Kailangan, iyong refutable at malalaking kumpaniya, at kung maaari, iwasan mo iyong "establishments". Eto yong mga madalas sumisira sa mga kontrata, delayed ang mga pasuweldo!

    Tama si Nightrock! Why not try other places aside from Saudi? Try your luck within SE Asia, or other Gulf Regions like the Emirates. Sa Emirates, open, para kang nasa Pinas din, at sigurado, mage-enjoy ang family mo!

    Ako pag naaalala ko iyong Saudi stint ko? Napapabuntunghininga na lang ako. Haaay! Saudi...........
    :confused: :confused:

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #19
    tol heto nga apply ka dito sa Qatar Petroleum send mo CV sa website nila then they will contact you...maganda ang bigayan dyan:

    http://www.qp.com.qa/qp.nsf

    tsaka, try mo rin search sa POEA website maraming hiring doon.. tsaka destination....

    PM mo si Ivux-Silver member din sya dito, i had spoken to him yesterday, he's working as IT analyst sa Ras Tanura...parehas kayo ng line of work, surely he's the right person who can give you more about the salary details....

    Well, once again Last destination choice ang SAUDI.... try to look for another destination pag wala talaga di cge ....

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,327
    #20
    prinsipe,
    ganun ba? sayang naman! well, good luck na lang sa yo!

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Any Tsikoters from Jubail and Yanbu?