New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    805
    #1
    Para sa napakaraming mga OFW na nagbabasa ng Abante, ipaliliwanag ko ang mga nakita ng Commission on Audit (COA) sa ilegal na P40 milyon na mga “incentives and allowances” na binigay ng OWWA (Overseas Workers’ Welfare Administration) sa mga opis*yal at empleyado nito sa loob ng tatlong taong nakalipas. Mahalaga ito sa ating mga OFW dahil ang kuwarta ng OWWA ay dapat na para sa kanilang benepisyo ngunit nagmumukha ngayong mas para ito sa benepisyo ng mga manggagawa ng OWWA at POEA imbes na sa mga manggagawang nag-OFW!


    Ayon sa COA, nagbigay ang OWWA ng ilegal na “incentives and allowances” na umabot sa P40 milyon sa loob ng tatlong taon. Halimbawa, ang mga opisyal at empleyadong nabigyan ng cellphone ay nag-download ng P796,000 na mga “games, ringtones, picture messages” at iba pang mga bagay na hindi dapat binabayaran ng pamahalaan.


    Ayon kay Director IV Roberto Marquez ng COA, kumuha ang POEA ng P24.048 milyon galing sa pondo ng OWWA (na galing sa mga kontribusyon ng mga OFW mismo) upang bigyan ng “incentive allowance” ang mga empleyado ng POEA. Pinagbabawal ng batas ang mga allowance na ganito.


    Ayon sa OWWA Board of Trustees, kaya nila ginawa ito’y dahil sa tumaas ang kanilang nakolekta sa kontribusyon ng mga OFW. Ayon sa COA, ang ganitong pag-iisip ay “without legal basis”.


    Sa ilalim ng Section 15 (e) ng General Appropriations Act, FY 2003 (as reenacted in 2004), “as well as previous general appropriation acts, provides that no government funds shall be [used] to pay honoraria, allowances or other compensations to any government official or employee, except those specifically authorized by law.”


    Pinagbabawal din ng Section 3 ng Administrative Order 103 ang mga opisyal ng “national government agencies” na magbigay ng dagdag o bagong benepisyo sa kanilang mga manggagawa “except for Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentives and those expressly provided by presidential issuance,” ayon sa COA.


    Ayon sa COA, binigyan ng P15.448 milyon ng POEA ang kanyang mga empleyado para sa kanilang CNA signing bonus at rice allowance na labag sa mga reglamentong binuo ng Public Sector Labor Management Council.


    Ang kasunduan ng POEA management at ng unyon ay quarterly rice subsidy sa mga empleyado kasama na ang mga casual, contractual at temporary workers, at P15,000 signing bonus “to be given on a staggered basis within three years subject to the availability of savings.”


    Dahil dito’y nagbigay ang POEA ng P15.448 milyon mula 2002 hanggang 2004. Ngunit, ayon sa COA, maaaring nilabag nila ang mga reglamento ng “CNA signing bonus and allowances”.


    Ang pagbibigay kasi ng bigas at iba pang mga bagay ay nangangaila*ngan ng “appropriation of funds”, at kasang-ayonan ng Kongreso at ng Pangulo ng bansa.


    Ayon sa COA noong May 16, 2002, naglabas ng circular ang Department of Budget and Management na nagsasabing ang Pangulo ay gumawa ng “moratorium on the grant of CNA signing bonus due to some problems raised on the payment and fund source”.


    Mayroon ding desisyon ang Korte Suprema noong July 11, 2002 sa kaso ng Social Security System v. COA, kung saan pinagbabawal ang “signing bonus as a form of additional compensation under the Constitution.”


    Ayon sa COA, kahit na sinabi na ng Korte na hindi nararapat magbigay ng “signing bonus”, namigay pa rin ang POEA noong 2004 ng P7.2105 million bilang signing bonus at rice subsidy.


    Baka pa nga mas madaling itago kung saan ginamit ang mga prepaid na cellphone dahil wala nang lilitaw na report galing sa Globe, Smart o Sun kung saan inubos ang kanilang mga load!


    Source: Abante (18Mar2008)

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #2
    nice one bro.

    'just hope and pray na sana me pondo pa ang owwa para sa mga ofw.

  3. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    726
    #3
    Dapat wala na yang OWWA/POEA na yan. Yung mga co employee kong Indians/Malaysians/Indonesians ay wala namang ganyang agency to protect them. Basta may problema, sa embassy lang sila nalapit.

  4. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #4
    Quote Originally Posted by O!lman View Post
    Dapat wala na yang OWWA/POEA na yan. Yung mga co employee kong Indians/Malaysians/Indonesians ay wala namang ganyang agency to protect them. Basta may problema, sa embassy lang sila nalapit.
    ha ha ha, honga.ala naman talagang saysay ang mga agency nayan.puro kaltas nalang ang alam.

    matutuwa kapa siguro kung kada balik mo ng pinas aabutan ka ng cash incentive

  5. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    805
    #5
    lalo lang nilang pinapahirapan ang mga ofw

Ang mga pang-aabuso ng OWWA at POEA