New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #1
    Ok naman po ang ride ko sa ngayon. Natutuwa lang ako at merong ganitong forum para sa mga nissan owners. Natapos ko nga palang basahin lahat ang threads hanggang p63.

    Matanong ko lang po, paano po ba ang mag-tune ng carburador, kung medyo mataas ang menor.
    Nitong week nga pala ay mag-aaral ako ng gas engine mechanic course sa MFI.

  2. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,100
    #2
    good for you . i've wanted to take that course myself, maybe ngayong summer. nakaka-inspire kasi yung show sa discovery turbo, yung wheeler dealers... sila lang nagrerepair ng mga kotse nila. plus, makatipid pa sa mekaniko, puros piyesa lang bibilin.

    yung carb, binabaklas yan at nilalagyan ng bagong gaskets at lilinisin. punta ka sa kamuning, marami nagsspecialize sa pag overhaul ng carb dun, panoorin mo kung pano nila ginagawa. last time i had them overhaul a carb for a 99 corolla... sandali lang ginastos ko mga 500p. that was 2 years ago.

  3. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #3
    Thank you sa reply/info bossing, natapos din kamakailan lang yung problema ko sa kotse, naibaba ko na ng 2 beses yung carburetor para ipalinis dahil sa madalas na namamatayan habang tumatakbo ng mabagal. Pero lately pinatingnan ko na rin pati yung mga sparkplugs at yung isa nga rito ay palyado na. Ang mahal pa nga nung pinalit nung mekaniko(Bosch Platinum) kaya nung ako na ang bumili ay ibinalik ko sa dati(NGK R5E...)
    Thank you ulit.

  4. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    273
    #4
    Quote Originally Posted by louiellopez View Post
    Ok naman po ang ride ko sa ngayon. Natutuwa lang ako at merong ganitong forum para sa mga nissan owners. Natapos ko nga palang basahin lahat ang threads hanggang p63.

    Matanong ko lang po, paano po ba ang mag-tune ng carburador, kung medyo mataas ang menor.
    Nitong week nga pala ay mag-aaral ako ng gas engine mechanic course sa MFI.
    Ok yan, louie. Graduate din ako ng automotive mechanics and I'm offering FREE hands-on sa troubleshooting & repairs, what I mean is, ikaw ang magkakalas, mag-adjust at magkakabit..ako lang ang guide, at may kasamang theories at explanations.
    Pag-aralan mong mabuti..magagamit mo rin ito makahiligan mo na maging mekaniko ka at malay mo, makapag-abroad ka..hehehe..
    Good luck..

  5. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #5
    Bossing, sira na talaga yung aking carburator, ngayong gabi nga eh na-wrecker kami sa may ortigas,pero na-pin point nung instructor ko ang problema. Yung shaft ay umaalog na at pati yung vacuum advancer sa may distributor kaya hirap hulihin yung menor. Saan ba kami dadaan papuntang kamuning kung kami ay mangagaling ng Baclaran EDSA. May irerekomenda ka bang pwesto dun? May mabibili bang 2nd hand na carburetor dun?

    Maraming salamat.

  6. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    99
    #6

    sa ilalim ng kamuning flyover ay merong U-TURN slot para makapunta ka ng kamuning...ang mga sikat ng shops dun ay M2M at A&M...not sure kung meron silang mga available 2nd hand carbs dun...

    goodluck and balitaan mo nalang kami dito

  7. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #7
    Titingin din siguro ako ng 2nd hand sa mga surplus sa may Imus. Nag-inquire nga pala ako dun sa may Evangelista(Mang Vising), wala daw siyang mga 2nd hand pero mga piyesa marami. Pagkatapos kong sabihin na kailangan ko nung shaft at nung screw para i-adjust yung sa hangin ay inestimate niya na Php2,800 daw ang gastos. Mura na ba ito? Kaya nag-iisip din akong maghanap ng surplus na maayos pa.

  8. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    6
    #8
    Sir, wag ka muna bumili ng carburador, bka di yan ang sira... sabi ng mekaniko ko try muna linisin ang carburador baka may bumara lang... patingnan mo rin yong magnetic nya na nakakabit sa carburador kc sa akin di gumagana....mas mabuti kung may mahiraman ka na carburador to test....bago ka bumili....

  9. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    3
    #9
    Mga kuya medyo OT. I'm planning to buy din my first pre-owned car, and i'm considering Nissan Sentra due to low resale value. my budget is 150K max.

    Gusto ko lang malaman kung anong mga Nissan models ang dapat kong i-consider at mga models na dapat iwasan.

    ano-ano po ba yung mga model na commonly used na ginagawang taxi during 1990's para po siguradong hindi ako makakabili ng ex-Taxi.

    Thank you po.

Sentra 1993 second owner