New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    2
    #1
    hi everyone
    new user lang po ako dito sa Tsikot.com....
    may question po ako about my van nissan serena 2.0 turbo diesel (CD20T) imported po sya...nabili ko last year...since wala akong alam masyado kung paano tumingin ng makina kung ito b ay may problem b o wala. nakuha ko tuloy ang car n ito... mtino nmn kc nun binili ko..mga 2 or 4 second nagsstart na ok nmn nice and smooth...... pero nung mga 1week n s akin habang nagmamaneho ako di ko napansin na nagbabawas pla ng tubig... bigla nlng huminto yung makina at normal nmn ang lahat ng gauge...tpos ayun n nga nag overheat n pla (naloko ako ng faulty temperature gauge sira n pla)... dinala ko sa talyer ang sbi ng mechaniko s akin top overhauled daw... at npansin nya sagad n daw yung top cylinder head at di n pwedeng i-reface.... napilitan tuloy akong bumili ng surplus khit mbigat s bulsa...

    nkabili ako ng mga kailangan pyesa at ayun naayus na ang auto ko...bagong overhauled ang radiator, change oil, oil filter, fuel filter,..etc.......pero umulit n nmn ang problem...pero npansin ko nmn kaagad s temperature gauge n tumaas ang temperature ng makina...kaya pinatay ko kaagad.....ang problem po kc ay palaging umuulit kapag binabyahe ko....lalo na kapag naka bukas aircon...kaya tuloy di ko maibyahe ng malayo at di ko na rin minsan maialis yung mata ko sa temperature gauge ng auto ko kapag nagmamaneho..

    nagawaan nmn ng solution...simple lng nmn naka open yung radiator cap para mabilis lumamig...ang ginawa ko bumili ako ng radiator cap at pina customize ko nlng... binutasan ng maliit yung cap...tpos hininang at nilagyan ng hose n singawan para di tumapon yung tubig.... at ayun gumana... khit i-set sa max lhat ng aircon at magbyahe ng malayo ay di na nag ooverheat...

    pero ito ang problema ngayun..
    eto ang list sna mabigyan nyo ako ng tips pra maayus n to...

    Q#1---hard to start mga 5-8 second na bago sya mag start..
    Q#2---kumakatas po sa ilalim yung oil nya....di ko po alam kung sa turbo.. kc dun s part ng turbo ko nkikita yung maraming oil leak..(di po sure kung doon bka kc gumagapang lang yung oil dun) kya tuloy palagi akong nagdadagdag ng oil every month... (depende kung madalas kong gamitin)
    Q#3---napapansin ko yung white smoke kpag cold start... biglang buga yung white smoke kpag nag start n yung engine tpos nwawala din nmn after 2 seconds....
    Q#4---- bumubuga na ng maiitim n usok kapag dinidiin ko ng bigla at malalim yun acceleration..or khit pabomba-bomba lng...
    Q#5--- epekto kya ng di ko pagdala s talyer at ginawaan lng ng solution...

    plsss....comment po kayo... i need more idea... kung ano yung d best n gagawin ko???
    thanks s lahat... mbuhay Tsikot.ph

  2. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,100
    #2
    eto problema ng mga imported eh... apart from bad conversions. laspag na mga units from the point of origin tas pagdating dito kwerdas pabalik yung odometer para kunwari sariwa pa (low miles eh).

    Q1 - may heater ba yan? try mo muna antayin mamatay yung heater light. mahirapan mag ignite from compression pag malamig ang bakal sa loob ng makina. kaya may heater ito, usually bago i-on ang starter may ilaw na dilaw sa dash na ang itsura ay parang alambre na naka baluktot. this heater pre-heats the cylinders so the fuel burns faster.

    or, baka sira na mga heater elements ng makina, pwede mo to papalitan, mga 250 isa (you need 4).

    Q2 - could be the seal of the turbo weeping oil. if seal lang, medyo madali lang ito ayusin. pag turbo piping or impeller ang sira bili ka surplus na lang. i'm sure meron nito.

    Q3 - sa ibang diesel normal ito. white smoke is oil or coolant. kung mala-ulap ang smoke HABANG TUMATAKBO... it is your turbo... sira na at napupunta ang langis sa cylinder (tapos susunugin kaya kulay puti paglabas). pag start lang at nawawala din naman, i guess you can ignore that for the time being.

    Q4 - normal yan. black smoke is fuel. pag tinodo mo apak excess fuel washes down the cylinders... hindi parang gasoline car yan na usually nasusunog ng sparkplugs ang sobrang fuel... compression ignition yan kaya usually hindi nya kaya sunugin lahat. imagine yourself na umiinom from the bottle ng isang bagong bukas na coke 1.5... may sobrang lalabas sa gilid ng bibig mo diba? ganyan din yung makina.

    Q5 - kung sa akin yan ibebenta ko na lang. pero kung gusto ko talaga i-ayos, maghahanda ako ng pera para sa:

    1. diesel calibration, 10,000+ petot
    2. full fluid change, oil, brake, radiator (sabay mo sa number 3) coolant, powersteering
    3. surplus radiator and engine thermostat
    4. timing belt (or chain) replacement

  3. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    2
    #3
    sir voltscastillo thanks po...

    **sir tanong ko lang pag po.. pag nagpa diesel callibration yung auto ko anu yung mga parts n papalitan(kung meron man po)... para kung sakaling magka budjet ako ready n kaagad... ako na sana yung bibili ng mga parts para sure...di bale n mahal basta matibay...yung iba kcng mechaniko sub standard lng yata yung nilalagay...tsk tsk;;; (yung 10k medyo mbigat s bulsa...) may alternative kyang paraan???

    **tpos yung heater meron akong nakita s engine ..yung may nakatugon n wire(parang spark plug hehe)...4pcs yung nsa engine ng auto ko...( madali lng kyang ilagay yun?kung sakaling ako n ang magtanggal at bibili nlng ako ng mga bago?) o kailangan png dalhin s talyer?

    **yung oil leak nmn s turbo ng auto ko marerepair p kaya yun??? may mga gasket din kya yun n pwedeng plitan??) gusto kong baklasin kaso di ko kc matanggal...masyadong komplikado...bka masira ko pa hehe...

    **ok nmn n lahat ng mga timing belt, radiator, brake fluid,,, replacement.... bago nmn n lahat...hmmp,,,,,, ang ngustuhan ko lng kc sa nissan serena ko ay matipid sa diesel (tpos mas mura p yung diesel kaysa gasoline.) kaya medyo nkakatipid ako ngayun.... npamahal n ksi s akin yung auto ko(npmahal s akin sa skit ng ulo, skit sa bulsa )...... marami n kc akong pina modified dito... like sound system, mags, etc... kaya susulitin ko muna siguro bago ko ibenta..

    **may alam po b kayo n bilihan ng mga parts ng mga imported n sasakyan??(khit surplus lng like my nissan serena) para dun nlng ako hahanap ng mga parts ng sasakyan ko....

    maraming marami salamat sana di kyo magsawa s krereply s mga question ko

  4. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    529
    #4
    1st of all sir please refrain from using text language in the thread... before makita ng mga mods at mag-alburuto na naman

    2nd sir, try mo scour blumentritt area specifically antipolo street. marami nagka-katay ng surplus engines dun. alanganin lang ako sa modelo ng engine mo, AFAIK more common yung 2.5 diesel engine (yd25) sa serena so medyo wildcard yan 2.0

    3rd sir, unless you are a specialist with turbocharger units wag mo na kalikutin. maselan yan. buti pa palitan na lang din, pero kung hindi naman kalakasan ang tagas pwede na pagtyagaan yan, as long as nag-boost pa naman.

    4th sir, as far as diesel calibration shops are concerned, the reputable ones always give you the diagnosis and parts estimate first before going thru the actual repair. expect to pay 10 - 15k (including parts). i'm a 'suki' of malabon diesel, but i've also heard good reviews of central diesel. you could try posting on the diesel injection help desk thread also. use the search function to find it easier.

    hope this helps!

  5. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,553
    #5
    maku medyo masakit sa ulo yung nabili nyong unit. yung emission na white smoke kumakain ng langis yan ibig sabihin sir.

  6. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,100
    #6
    mahal ang calibration kasi kinukuha nila yung injection pump ng kotse at isasalpak sa isang machine para ma recalibrate. medyo matrabaho ito parang top overhaul. either papalitan yung injectors or lilinisin lang. depends. pag pinapalitan ito lang bibilin mo.

    yung heater plugs dati sa pajero ko binili ko lang sa auto supply tas pinasalpak ko lang sa mekaniko sa gas station. alam ko madali lang yan pero wag mo kalikutin. pagkaheater one click na ulit ang start.

    yung oil leak basta katas katas lang walang malakas na tulo pwede naman pagtiyagaan. 3 lang pwede panggalingan nyan... oil pan gasket, turbo at transmission oil pan. ay sa power steering din pala. pinaka mganda jan pa underwash mo para makita kung saan.

problem with my nissan serena 2.0 turbo diesel