New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    70
    #1
    mga sir, inquiry lang, I am already planning to sell my
    89 maxima, nabasag kasi engine block, instead of replacing the block or the engine, benta ko as is. medyo matagal na rin kasi stock sa bahay, dahil sa hirap makahanap ng CA20 na makina (carb type)

    Magkano kaya aabutin or magkano ang tamang price value na hindi lugi ang buyer at ang seller.

    yung bezel lang ng radio and Engine lang ang problema, kasi basag. rest is ok pa (eg body, interior, distributor, starter, etc)

    thanks

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #2
    Adds mo na lang sa buy and sell tignan mo kung magkano lakaran ng Presyo ng 89 maxima na running condition tapos i less mo na lang ang mga kulang nito . Kung alam mo naman masyado mababa presyo benta mo na lang by parts.

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    994
    #3
    Tama ka dyan bro, better sell it in parts . . . chop-chop! Mas malaki ang kikitain mo.

    Then sa akin mo ibenta yung headlamps . . . presyong Tsikoteer ha.
    Last edited by jjmd3_787; January 31st, 2010 at 10:30 AM. Reason: tao lang po

  4. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    8
    #4
    hindi ba pwede ibang makina, kakasya naman kahit anong makina sa Maxima gawa ng malaki ang engine bay nya. sabi ng ang mekaniko ko pwede nga daw 2 makina... hehehe just kiddin.. ako nga im looking for a dashboard ng maxima till now bigo pa rin ako makakuha ng dash... Pero i love my maxima though medyo nagrust na yun body nya..sa takbuhan namn sulit ako kasi tulin nya.... yung sa kin pre 20 years na age nya 1990 model sya pero ayos padin... no headaches and kagandahan lang na you own oldschool di ka na magiging OC sa cage mo hehehe. just my 2 cent..

    Pwede rin yung suggestion na ibenta mo by parts kaso matatagalan ka lang i dispose kung ganon... pwede mo naman sya ipakatay yung nga lang mababa ang price pag kinatay sya...

  5. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    70
    #5
    Nakakuha na ko makina, CA20 din...

    *jjmd3_787
    -mikhang magpalit na din ako headlamps, malabo na yata, o mata ko malabo ehhe... hirap din maghanap pala ng headlamps, nagtanong ako magkano naman yung custom, 3k daw pair, casing pa lang, yung projector lamps di pa daw kasama

    *thesouthpaw
    -nakakapanghinayang talaga bitawan eh, iba talaga kapag oldskool

    wala ka gano makikita kapareho sa daan

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    8
    #6
    Congrats pre!!! para sa iyong bangong engine.....

Planning to sell maxima 89 (no engine)