Sirs,

Bago lang po ako dito at naghahanap sa Internet ng information tungkol sa pagkuha ng mas malaking piston.. Yung kotse ko po ay Nissan Bluebird na fuel injected. Nag overheat and nanikit na yung piston rings sa piston at meron nang gasgas yung lining ng cylinders.

1.8 po yung displacement, pero dahil wala na makita sa surplus, pang 2.0 na yung nakuha. As of now hindi pa naman naikakabit yung pistons and yung makina nasa machine shop pa naman.

ang tanong ko po ay ito:pagdating ng makina at ma assemble na po, hindi po kaya magka problem ako dahil ang alam ng computer ko ay 1.8 pa rin ang displacement ko? kelangan ko po ba magpa reprogram, kung kelangan, mga magkano?

Thank you po.