May nabili ako 2nd hand na urvan shuttle 2003 model.2wiks ago pinalagyan ko ng bagong thermostat (original),after 2 days nakalimutang itakip ng husto ng anak ko ang pressure cap ng radiator cap,nag overheat ito halos maubos ang tubig kaya umabot ng kalahati ang temperature gauge.After 5 hours dinagdagan namin ng tubig ang radiator at pinatakbo uli. Ngayon kapag mainit ang panahon at nakulong ako sa trafic tumataas ang temperature gauge hangang pangalawang guhit,pati ang aircon ko ay di na rin kaya ang init,kaya mainit na rin sa loob ng van. pero pag mabilis ang takbo ko ayos naman ang temperatura pati ang aircon.ano po ba sa palagay nyo ang problema nito? o normal lang ito. pls. help!!!!
1)check mo silicon oil ng clutch fan patayin ang engine paikutin mo ng kamay ang clutch fan malaking blower pag naikot ng kamay mo ibig sabihin nito mahina na umikot ang clutch fan mo kailangan ng lagyan ng silicon oil o kaya iparekta mo na lang
2)check mo radiator cap baka sira na?
3)check mo lahat ng blower ng aircon kung ayus pa ,check mo din thermostat ng radiator baka sira na din at minmal na lang magbigay ng malamig na tubig papuntang radiator
4)check mo mga hose especially sa reservior ng radiator baka walang nakalublob na hose kaya di bumabalik o nag cicirculate ng maganda ang cooling system mo
5)pa check mo din ang water pump?
6)mas maganda lagay ka ng malaking blower additional sa harap ng radiator mo
7) check mo pag maminit ang engine kung saan may leak ng tubig kung meron man kaya pag natrafic ka e kinakapos na at kulang na ang tubig mag ooverheat po talaga yun?
btw sir normal lang po yan pag 1/4 hangang gitna ang masama pag umabot sa 3/4 pataas sa red line HOT..
ala po ako urvan pero meron akong van na same problem katulad po sa inyo
check mo na rin ang radiator. baka nagdeposit ang precipitates ("scales") sa loob ng cooling passages nung natuyuan ng tubig, causing water blockade. unfortunately, the only way i know to do this, is to have the radiator overhauled.