Hello po mga sir.

Mag tatanong lang po at kukuha ng inyong mga insights kung anong possibleng sira ng exalta namin.
Kwento ko lang po for full details.
Nag simula ng mag stuck-up yung compressor nia every time na start namin yung aircon mamamatay makina so we decided to have the compressor replace in banawe. Brand new po yung pinalit sa may AL Fresco katabi ng north park.

After 2 to 3 months without any problems naramdaman ko na parang meron nag kikiskisan bakal sa bakal so I check under the hood napansin ko na yung compressor e parang mahigpit at kumikiskis sa loob. So i decided to have it checked sabi nung aircon technician e yung pulley daw ng compressor ang may problem yung bearing daw sira so what we did is to have it replaced by a surplus para magamit lang.

after a few weeks same problem ulit so we go back to AL Fresco to have it checked swerte napalitan ng bago ulit yung compressor sabi nung technician nila mukhang yung aux fan ng aircon may problem na kasi kailangan pa nyang pukpukin para lumakas yung ikot. Umayos ulit yung takbo pero after 3 months same problem po ulit. Satingin nyo po Aux fan lang ang issue? As of the moment hindi ko pa pinapapalitan yung motor nung fan yung compressor nman feeling ko pulley ulit problema kasi maingay na ulit.

May nakaexpereince na rin po ba ng ganito with your exalta? Any expert opinion po? Ang hirap lang po kasi mga sir hindi biro mag pagawa ng compressor at laging malaking pondo kailangan. Any advise will greatly help.

Here's some details you might need
Calsonic compressor

Marami pong salamat mga sir more power!!!