mga sir baka matulungan nyo ako sa problem ko. I have a b13 eccs 91 model. meron kasi symtom ung oto ko na hindi masolve solve baka matulungan po ninyo ako. ganito po kasi nalinis ko na ung mga dapat linisan IACV,MAFS, Air filter pati ung loob nung intake manifold pero ganun pa din ung nagrerev ng kusa kapag nagshi-shift ako ng gear either 2nd downto 1st or neutral basta every time na aapak ako sa clutch pedal. lagi ko itong na-ex-experienced kapag trapik or naka bitin. ang dating tuloy tila ako naghahamon ng racing kasi nagrerev without stepping on the gas pedal. saan kaya ang problem. TIA.
kung servo kasi ang may sira, ang pinaka-main symptoms nito yung parang hinihika ang makina or in short kinakapos sa pagpasok ng hangin in which inaapakan mo ang throttle para hindi ka mamatayan. so in short parang hindi.
feeling ko lang parang may naiipit sa pag-apak mo sa clutch. hmmm, kahit ako hirap ma-diagnose problem mo ah. hydraulic clutch iyan sir ano?
mmmhh sir when you say servo ito ung IACV tama po ba? kasi ung dati kong IACV ang naging problem ko kapag nag-eengage ang a/c nanginginig sadashboard tapos saka aakyat ung rpm sa 900 tapos kapag nagdisengage manginginig ulit then back to 800. naghanap ako ng IACV nung ikinabit ko nawala ung symptoms na panginginig sa dashboard. pero hoping na mawawala din ung symptoms na nagrerev kapag nagst-step ako sa clutch pedal pero hindi pa din nawala. kaya tuloy hindi ko malaman kung saan ang problem. note sir nagrerev lang ito kapag on ang a/c pero kapag walang a/c hindi naman.
ung ibang ko kakilala na me b13 din. hindi naman daw nila na-eexperience ung ganung symptom. hindi ko talaga alam kung saan pa at ano pa ang dapat icheck.