HELP: NISSAN ECCS 1991 MODEL (AUTOMATIC) WALANG HATAK!!!
Mga Bossing Patulong po!!
Yung ECCS ko po hirap pong humatak lalo na po pag pag-akyat. Nag-palit na po ako ng fuel-filter tapos yung spark plug naman po sa tingin ko ok pa naman po. Kasi nung check ko po isa isa (habang nasa idle mode yung makina) medyo parang mamatay yung makina kapag tinatanggal ko po yung cap ng spark plug. Pero yung #3 halos walang nag-iba kapag tinanggal ko po yung cap. Tapos nung pinagpalit ko yung spark plug ng #3 at nilagay ko sa #1 (para lang malamn kung talagang sira yung spark plug na nasa #3) ay parang mamatay yung makina. Pero yung spark plug na sa #3 (na dati na sa #1) ay wlang nagbago ng tanggalin ko ulit yung cap.
Ano po kaya ang problema ng car ko? Pwede po ba kaya ang may problema eh yung high tension wire #3.
btw, bago ko po ito naramdaman, pinalinis ko po yung air filter ko tapos mga ilang oras na akong tumatakbo, ayun po hirap na po humatak yung car ko lalo na pag paakyat na halos walang ng power para humatak.
Kung tama yung pagkaintindi ko, the problem comes out with the 3rd cylinder/spark plug? Better to have the ignition coil checked and consider replacing the HT wires (original pa rin ang pinakamainam), and then have a compression test done to check the overall health of your engine.
tama po sa 3rd cylinder/spark plug po. pero nung icheck ko po yung high tension wire #3 (na nakatanggal with spak plug on it tapos tap ko sa bakal while in idle mode) eh may kuryente po na dumadaloy. so i think na hindi po sa high tension wire ang problem ( sa tingin ko).
posible po ba na sabi ng iba na baka may singaw raw po yung valve na nandun. kung sakali po pa magkano po ang gagastusin ko dito?