New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #1
    Hello mga bossing,

    Patulong naman po.

    Tanong ko lang po kung anong cause nung biglang namamatay ang makina nitong 93 sentra ko? Noong 2011 ay pinalitan ko na ng surplus na carburetor yung kotse. Duda ko baka kailangang linisin na yun since nung kinabit namin ito hindi pa siya nalinis.

    Secondly, nung tiningnan ko yung fuel filter na parang maliit na white plastic cup ay medyo maitim ang kulay, dati kasi ay parang pula ang nakikita ko noon since Caltex Gold ang palagi kong kinakarga sa kanya. Nung nakaraang araw ay napasuong ako sa isang baha pero gutter deep lang naman, may kinalaman kaya yun dun?

    Parang kinakapos yung gas niya, umaandar naman pero maya-maya ay mamatay na. Itinirik nga kami at sa primera ay kaagad namamatay kaya sa segunda ko na kinuha hanggang sa makabalik kami ng bahay, pero hirap ang makina...

    Thirdly gusto ko ring silipin yung mga spark plugs niya, baka kasi nag moist nasa labas lang kasi itong kotse nakapark at ilang araw din itong naulanan(Maring/Habagat). Safe ba na i-spray-an ng WD40 ito?

    Salamat


  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    198
    #2
    check your fuel pump....

  3. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #3
    OK yung mga spark plugs na-check ko na. After 15 minutes na umandar at konting ikot, nang naka idle na nang matagal ay bigla na lang namatay, same trouble nung isang araw. next kong patitingnan sa mekanikong kakilala ko ay yung fuel pump. Magkano na kaya ngayon yung fuel pump nitong 93 Sentra kung sira na nga?

  4. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #4
    HIndi ko pa napatingnan yung fuel pump, pero nung pina andar ko kanina, hindi na nagluko. May napansin din akong kaunting tubig na ibinubuga ng muffler, I guest nakapasok ng kaunting tubig yung tambutso nung lumusong ako sa baha nung isang linggo. Pinasok kaya ng tubig yung makina? Anong dapat kong gawin, paandarin ulit ng matagal para matanggal na yung tubig sa may muffler?

  5. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #5
    Nakahihigop ba ng baha yung fuel pump kung ito nga ay may leak. Kung may leak nga ito, hindi ba ito mapapansin normally?

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,774
    #6
    pacheck mo ignition coil. baka sira na or may leak. kapag malapit na bumibigay ang coil magiging ganyan. umiinit tapos mamatay ang makina.

    kapag lumamig naman okay na.. until uminit uli.

    kapag okay coil, carb na patignan mo. baka kailangan overhaul.

    to give you an idea: carb overhaul sa kamuning is 500. carb kit is about 500 din.

    replacement ignition coil ranges from 500-1800. depende sa brand. circuit ang cheapest pero medyo questionable pa reliability.

    Sent from my Thrill 430x using Tapatalk 2

  7. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    74
    #7
    Ok yung fuel pump as per my mechanic. Yung distributor, may konting corrosion nilinis at inisprayan ng contact cleaner. Inadjust yung carb, medyo nagbago na pero nagluluko pa rin. Next kong titingnan yung wiring sa may battery baka may lumuwag na naman.

Namamatayan kapag pinaandar, carb, spark plugs o fuel line problem on my 93 Sentra