New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    306
    #1
    my nissan is B13 ECCS 1994

    1. yesterday biglang di gumalaw yung speedometer/mileage, gas gauge, temperature gauge, rpm - lahat nung nasa panel except yung clock. ipapagawa ko sana today baka kasi fuse lang ang problem kaso...

    2. ipapagawa ko na nga sana today kaso nung tinabi ko yung kotse at pinatay ko sa daan to buy something hindi ko na maistart. buti na lang may malapit na talyer. ang problema wala silang electrician kasi holiday daw. may tumingin naman. tinignan yung battery "weak" yung nakalagay sa meter nila. kumuha sila ng isang battery tapos dinikit dun sa battery ko. ayun nagstart naman at nakatakbo. pero nung nakatakbo na ako ng mga 8-10 km nasa highway ako biglang namatay yung makina. nanginig yung sasakyan at namatay. parang yung nginig sa 1st gear at di naapakan either ang gas or clutch tapos namatay. ang problema nasa 5th gear ako nun. ayun nga namatay. di ko na mastart. buti na lang malapit ako sa kaibigan ko at humingi ng tulong at nagpadala ng spare battery. pinalitan ko battery. nagstart at tumakbo ng maayos hanggang sa amin (mga 10 km -12km ang layo).

    yung sa #1 mukha bang fuse lang ang problema? sa pangalawa alternator o battery kaya? battery ko pala is GS tropical hindi maintenace free. february 2010 ko lang nabili.

    dadalin ko sa electrical shop siguro sa tuesday o wednesday. bigay naman kayo ng tips kung anong mga iiexpect ko at pwedeng itanong. paano ba malalamang sira ang alternator o battery lang talaga ang may problema?

    salamat.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #2
    alam ko, two years ang warranty ng battery kaya pwede mo dalhin ang discharged battery mo dun sa shop na pinagbilhan mo nito para ma-check at mapalitan ito. they have an apparatus to check the battery and also your alternator.

    kung makita na alternator ang culprit, you have two options.
    first option: ipagawa sa ito sa auto electrician
    recommended electrical shops are rey's electrical (cubao or marikina) and wizzard (morato)
    second option: bumili ng replacement nito (brand new or surplus), depende na sa budget.

help nissan B13 problem