
Originally Posted by
lhei
last saturday and sunday nagamit ko pa ung car ng wala problem. nung monday napa-start ko pa ng 15mins kasi nga di ko nagamit. pero nung tuesday eh di ko na mapa-start.
Problem.
Tuesday : Ayaw magstart, walang click kahit lang beses ko na ni-try. minsan may click na marami kapag nakasagad na sa start, pero mas madalas na isang click lang. may instance din na parang magtatangkang magstart pero nawawala din ung tunog. may isang beses na na-istart ko sya tapos biglang namatay after nun wala na ako luck to start again.
Observation: Starter or ung carbon ng starter.
Wednesday: humina ang battery (kasi mahina ung ilaw) and ayaw pa rin mag-start. wala pa rin ung multiple click kapag nakasagad ung susian. ginawa namin is tinulak namin tapos nagstart pina-akyat ung gas sa makina. After 10 mins pinatay namin tapos pina-start uli, one click.
Observation:
1. hindi sa starter or sa carbon, kasi kung dito ang problem eh dapat consistent na hindi mags-start.
2. nung una akala ko battery kasi humina ung Headlight, pero nung na-start na eh nagkarga na ang battery. so labas na ung battery sa equation.
3. hindi rin sa ignition switch, kasi kung dun un dapat daw hindi magbibigay ng koryente papunta sa starter.
ang pinaka huli naming observation is ung sa susian. kasi wala na po ung original na susi and duplicate na lang. baka kasi may instance na hindi naglalapat ung susi sa susian...
ang tanong, may nabibili ba na bagong susian na pang Nissan Sentra Series 3 talaga?
tama po ba ang obesrvation namin? baka naman po pwede nyo ako matulungan...
TIA