Tanong ko lang po kung magkano kaya ang aabutin kung magpalit po ng coolant temperature sensor para po sa car ko Sentra B13. Need to replace na daw po kasi sabi sa casa. Kailangan po ba na sa casa ito gawin o kaya na rin po itong gawin ng mga suking mekaniko? May mga temperature ratings din po ba ang coolant temperature sensor? Di na po kasi umiikot ang fan ko kahit mainit na ang coolant. Kailangan ko pa pong paandarin ang aircon para lang umikot ang radiator fan.