Hello mga fellow tsikoteers! Gusto kong gawin itong thread na to para sa mga advices ninyo for my beloved Sentra, I hope to get many helpful advice from fellow Sentra lovers.
Background muna.
I got my red 96 Sentra when I was in 3rd year college, as in super love ko, kaso ang problema kulang ako sa pera, kaya hanggang change oil, car wash at wax lang kaya kong ibigay.
Sadly (as in super depressed ako), nagkakaroon na siya ng mga bula sa may side skirt sa malapit sa front wheels tapos maluwag na yung trims sa passenger window, nadudumihan na rin ako under the hood kasi wala akong pang detail, etc., etc. (will post pics soon), research ako ng research kaso mahirap, at wala ako gaano time kaya dito ako humihingi ng tulong.
Now may trabaho na ko at gusto kong bigyan ng T.L.C. oto ko time frame ko eh ayusin ko muna yung makina for this year, next year yung body, third year interiors and accessories. Gustohin ko man mag SR20DE, wala pa ko pambili kaya aalagaan ko muna yung stock engine.
Hindi ko talaga alam sirs kung saan magsisimula, super newbie ako sa pagayos ng oto.
So, for this year engine muna. Saan shop po ba maganda lumapit para magpaayos/maqinquire nito?
Current problems:
- Ang tagal magstart mga nakaka-lima akong turn sa ignition bago magstart.
- Another, is yung kapag nagmamaneho ako (hindi naman madalas) kapag naka clutch down ako yung idle ng makina minsan nasa 1000rpm minsan nasa 500rpm lang kapag nasa 500rpm may maririnig akong "TIK!" tapos babalik uli sa 1000rpm, ano po kaya problema?
- Super bagal ng pagbaba ng mga salamin ko (power windows) lalu na pag sabay-sabay
- Kapag naka-idle ako tapos tinu-turn ko ng todo yung manibela (power steering) naglalaro yung rpm ko pag hinohold ko sa position na yun, pag binitawan ko umaayos, normal lang ba yun mga sirs?
- Normal lang po ba FC ko? 7-8kms/liter (w/ aircon), 10-14km/liter (w/o aircon)
So far eto pa lang questions ko, thanks!![]()



Reply With Quote
wala akong experience dyan.

