Ano ba recommended nyo? i'm looking for a small one lang, mga 50cc, pang subdivision use lang (pero minsan baka lumabas ng main road for refueling). Ung mga china brand may makukuha na ang 28K , may registration at helmet etc pa.
Pero nagtanong ako sa mga motorcycle part supplier eh mag honda dio or yamaha jog na lang daw ako (2nd hand), dahil sirain ang china at minsan walang parts daw... Ung dio at jog daw maraming parts, kaso ang problema marami ang walang paper or baka fake naman kung meron.
any good advise or phil website where can i inquire? budget is 28K, Ang gagamit pala ay ung esmi ko at daughter (12 yrs old).
Walang kwenta ang mga Scoot na China. Mas maganda pang mag honda dio or yamaha jog. Matibay and the parts and aftermarket parts are plenty.
Try mong pumunta sa may Avenida, Caloocan(sa 5th Avenue to 10th Avenue Area), marami dun na legal. Sa Bulacan maraming illegal pero kadalasan ginagamit lang ito sa loob ng village, like me.
centum - yeahh. nagbrobrowse nga ako sa site na binigay mo since yesterday. maraming info.
theeved - medyo malaki ang sym jet, di abot ng paa ng anak ko... nakatingkayad baka di kayanin... tsak medyo mataas na ang prseyo...
comrade Frank... sa bacoor naman ako... pinag iisipan ko nga kung walang paper pero mahirap din kapag natyempo sa pulis or tmg na nangungursunada ng scooter. mura nga daw dyan sa bocaue. may titingnan ako bukas na dio at jog... kaso pang racing daw eh... sabi ko ko nga ibalik na lang sa stock ung makina....anyway, will still look for the unit for comparison lang....
kuha ka ng dio o kaya yamaha jog. ok un. sa 28k may makukuha ka na maayos diyan. marami naman dito sa bacoor e. siguraduhin mo lang maayos papel kasi marami ng nanghuhuli ngayon.
kung may makita ako sa tropa ko tanong ko. nagpapahanap din kasi kami ng honda wave. honda wave naglalaro sa 25 pag may papel. pag wala 13.
dito ako sa mambog 2 (palico), halos nasa imus na. saan ba pwedeng magscout ng dio at jog sa bacoor/imus aguinaldo hway area? may naka text na ako taga anabu... benta nya jog nya for 22K pero kung may papel 30K daw... orig kaya ang papel or fake?
Stock lang ang kunin mo. Kapag racing-specs na eh dadalas ang dalaw mo sa mekaniko. Regarding sa rehistro, kapag legal yung shop na pagbibilhan mo ng second-hand na scoot ay madali na po siya irehistro sa LTO. Basta't stay away sa mga China Scoot. Mas maganda pa ang gawang Taiwan.
baka orig naman siguro, ang taas e, kung fake yan baka mababa. pero hindi ko rin alam kung pano malaman na fake e. basta ba ililipat sayo ung pangalan saka may DoS siguro orig yan. imus, baka don sa may malapit sa delpa imus meron don dati e. check mo kung meron pang shop. sa aguinaldo wala akong gaanong alam e. lahat kasi ng nandyan sa hway puro mga china. tingnan mo sa may mabolo, sa may rotonda don. may dalawang shop don e. tingnan ko kung may tinda sila. ung isa two wheelers tapos malapit din don, actually kita mo na siya don, ung kay ompong yata pangalan non. tapos pag dumiretso ka pa hanggang talaba meron pa. tingin ka lang sa kanan. bago dumating ng school na malapit sa panapaan meron don.
parang ang taas nung 30k. pero hindi ko rin sure, tanong ko tropa ko kung magkano bentahan ng jog na may papel.
fLaKeZ,
Yung prices na na-post eh puro legal at stock? Sa Bulacan ang prices ay Dio1 - P13K at Dio2 - P16K. Puro walang rehistro. Anong klaseng Jog yun? AFAIK almost P20K ang Jog hindi lang ako sure sa Model.
legal lahat. hindi ko na tinanong ung illegal e. tutal pangit naman kumuha ng illegal. pang karera lang para kasi hindi naman gingamit sa pang araw-araw. pero sa legal pa rin para sigurado.
oo nga pala, may iba-iba pang modelo ng jog. hindi ko kasi gaanong alam bentahan kasi dati puro dio kinukuha ng tropa namin.
flakez, saan ang mabolo rotonda... malapit ba yan sa imus cathedral? pasenya na, di ko kabisado ang imus at bacoor, napadpad lang kami dyan he he he....
anyway, dio or jog na lang nga cguro..... buti na lang nakapagtanong tanong ako kung hindi bagsak ko china made..
problema na lang eh maghahanap pa...
Frank, wala bang nanghuhuli sa lugar nyo kapag ung scooter eh nasa national road or highway? o tyempuhan lang talaga sa nangungursunadang pulis or trafic aide... dito kc sa amin ang daming traffic enforcer... lahat halos ng intersection eh may enforcer at backup na motorcyle pulis...
Wala po. Sa loob lang ng village lang ako nag-iiscooter. Hindi na ako umaabot sa McArthur Highway. May malapit na kasing gasoline station (Seaoil NLT-Meyc. Service Road)sa amin so doon na lang ako nagpapagas.
teka pano ba to. hehe. alam mo ung sm bacoor diba. don ka sa gilig dumaan, ung papuntang kawit. ung habay road. tapos bago duamting ng tulay. ung ginagawa. un na ung rotonda, mabolo na ung lugar na un. pag dumiretso ka binakayan(pero mukahng hindi ka makakadiretso kasi ginagawa) so right turn ka, papuntang bayan ng bacoor. basta don lang sa may rotonda na un may mga tindahan na don. dalawa un. pag sa kaliwa ka naman ng rotonda, salinas. ung maliit na kalsada don. pabalik ka na niyan ng imus.
Flakez, yeahhh alam ko na yung lugar na iyon... salinas ung longcut na daan namain kapag traffic sa aguinaldo... will visit the place cguro this saturday...
Frank, paano kapag nahuli k ng pulis tapos wala kang papel sa scooter mo? ano penalty? impound ba scooter....