makasingit na rin, bago kami mag ka auto, si cyber (Honda Wave 125) ang aming ride for 3 years, actually sa kanya ako natutong mag drive. I followed and observed the traffic rules. nung tinopak ako nag drive ako mula calamba hanggang alabang papunta ng office. I drove it in 2 1/2hours kasi ayaw kong sumingit, ayaw kong makadisgrasya at higit sa lahat hindi ako bara bara mag drive.
nakasama na rin ako sa mga fun ride sa honda clubs at sa ibang mga clubs. iniisip ko kasi na gusto ko umuwi ng bahay na buo at walang kagalos galos. kahit na maraming kapwa ko rider ang barumbado dahil alam nila lady driver ako kung makadaan sila talagang napa ungentleman minsang tatalsik pa ang tubig sa akin lalo na pag umuulan but di na ako nakikipag habulan dahil ayaw kong kasabay ang mga ganoong klaseng driver!
minsan kasi or ito kadalasan sa mga riders nagkakahangin sa ulo kaya naman nagrereflect sa pagdadrive nila. no offense meant pero totoo ito. nakamotor kami ni hubby sa nichols pero may mga kasabay kaming malakas bumuga ng tambutso ibubuga sa amin. kahit anong tino mo mapapamura ka. actually maraming beses na nangyayari sa akin yan. pag kagaling sa grocery yung " mga" (10% lang ang mababait) malalaki ang tambutso ibubuga sa mukha buti sana kung mabango ang amoy na lumalabas eh polusyon naman.
before i am nothing against sa mga riders pero unti unti nakikita ko ang pagiging barumbado nila! i note ko lang mas lalo ako nainis sa kanila dahil kahit tumatawid ka na sa pedestrian lane haharurot pa rin sila. eh buntis ako nun nakita na nga diresto pa rin. riders ako pero 10% lang ang matino sa mga riders. 90% yan ang may hangin sa utak!
question ko lang bakit kailangan i raise pa kung supot or not. eh paano ang mga lady rider na katulad ko do you think na macho looking din kami pag nakaride?