Recently kasi I noticed biglang nag-spit ng fuel yung motor ko ('03 Honda Wave) coming from the breather, dun sa area kung saan nakalagay yung air filter. Then, para na syang na-choke and won't start na.
Saan kaya problem nito, check ko naman properly connected mga hoses. Suggest sa akin is palitan na daw carb, tama ba?
IMO matagal naman masira ang carb unless nasira ng mekaniko. try nyo pa overhaul (or palinis) yung carb baka madumi lang sa loob. regarding ayaw mag start, baka basa lang yung spark plug or lumayo yung clearance
scooter din kasi ride ko, jet100. nung una nanonood lang ako sa mekaniko pag ginagawa scooter ko like nung una nilang nilinis carb ko, tinandaan ko na lahat ng kinakalas. tapos pag nakakalas na mga parts ng carb, nililinis lang sa gas para matanggal mga dumi. pwede din try mo muna carburetor cleaner, 100 lang isang lata. bale tanggalin mo muna ang air filter mo hanggang ma-expose yung carb intake mismo. isprayan mo ang mga butas para lumabas mga dumi. pag natuyo na sya, try mo na i-kick start. tiyagain mo lang hanggang umistart, wag kang magga-gas baka kasi malunod
mukhang matrabaho pala iyan. especially sa mga scoot na tagong tago ang makina ng mga cowlings chuva niyan eh. buti na lang may naiwan pa akong carb cleaner garahe. subukan ko i-diy 'to kapag pwepwede na
ASk ko lang din po yung scooter ko yamaha mint di ko po alam kung ano model pero nabili po namin yun 1999 pero alam ko po hindi 99 model yun kasi nabili namin sa surplus shop pero ok po yung papers niya.yung motor ko po kasi kapag binibigyan mo na nalulunod na po kaylangan po dahandahan lang yung bigay ng gas ayaw ng binibigla.bali tinanggal ko na po yung air filter kasi madumi na tyaka kapag ini start ko po kasi kaylangan i choke mo dun sa carb(yung tatakpan yung carb tapos i kick start) nung nagpagawa naman po kami sa my sct. chuatoco wala na daw carb na mabibili na ganun san po ba may makukuha na carb t.y g0od day