MODEL: 2003 GSX Revo

Scenario: May na-atrasang poste. Basag ang salamin sa likod, Tumupi yung bullbar pa-ilalim, may mga kupi ang pintuan sa likod. Gumagana pa naman yung signal lights, brake lights, wiper, water "dispenser" sa likod.

Mga sir, tulong naman diyan. Magkano ba ang back wind-shield (sorry, di ko alam tawag, basta yung salamin sa likod) ng Revo atsaka pa-repair kung hindi nagbubukas yung pinto (ie: Ayaw umangat) sa likuran?

Yan yung main concern ko kung magkano aabutin e. Sa experience niyo ba magkano lahat-lahat? Not so concerned about the paint job to be done for the scratches. Mas importante for now na mapalitan yung "windshield", magawa yung door-opener at mapukpok/ayos yung mga kupi.

Insured naman yung sasakyan, pero gusto ko lang maka-hingi ng inputs ninyo. Thanks.