Actually ang napagtanungan ko minsan eh isang Steel Fabrication Shop (Windows, Doors & Stairs).
Along Ninoy Aquino Avenue, paglampas ko lang ng Multinational going to Sucat.
Maraming ganitong shops doon. Nagkataon lang na doon ako sa harap ng Shop pumarada pero ang
pinuntahan ko doon eh ung hardware na katabi.
Merong lumang pick- up na nakaparada rin, na may SS bumpers nga.
Naitanong ko tuloy sa isang welder doon kung kaya nila gawin. Kaya naman daw.
Meron silang pictures na kung interesado raw ako, tingnan ko. May prices na rin.
Hindi ko na tiningnan pero sinabi niya pa "malinis kaming gumawa sir, hindi kaliskis buwaya".
Sa tingin ko eh kaya naman talaga base na lang sa mga ginagawang grills and gates.
Meron rin akong nakikita along Evangelista, Makati. Sa mga Auto Shops.
Kadalasan ang displays nila eh mga bull bars, nudge (tama ba 'yon?) bars na branded.
Kasama na sa displays 'yung mga "fabricated" lang. Magaling naman "komopya" mga Pinoy, hehehe.
Try mo na rin, wala namang mawawala 'ika nga. GL.