New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    3
    #1
    Bago lang ako sa forums at lalong mas bago sa mga kotse.
    Total noob ako at walang ka alam alam sa mga makina at kung ano ano pang tungkol sa kotse.

    Bale finally naisip ko na since me trabaho naman ako eh magipon ng pera pambili ng 2nd hand na auto. Ok sana brand new pero bukod sa mahal at mahirap pag ipunan ay baka hindi ko din lang ma maintain ng sobra at mapabayaan lang- lalo at wala naman ako ka-alam alam sa mga kotse. At least pag second hand hindi gnun ka nakakahinayang sa pera.

    Since college pa ko eh gusto ko na ung itsura ng galant super saloon ba un or vr4 (sa pagbabasa basa ko recently eh parang magkaiba pala yung vr4 na version sa super saloon kahit magkahitsura not sure kung tama though) so un sana ang pag iipunan kong bilhin.

    May mga nabasa akong mga thread (dito din sa forums na ito) na magastos daw sa gas ang vr4 na galant? At madalas me problema sa suspension?

    Ano po ba ang maipapayo nyo? Ang mga nakikita kong galant na for sale ay madalas 2.0 ang makina... pero meron daw nitong 1.6 lang? Meron din daw mas makain sa gas na V6 naman? Gaano ba kalaki ang diperensya sa kain sa gas ng laki ng makina?

    Ayaw ko sana kumuha ng maliit ang makina - kasi sa mga dati kong na-maneho na kotse at motor (meron kami maliit na kia pride cd-5) usually pag maliit ang makina - pag binirit mo parang "nanginginig" kagad - samantalang ung mga nadrive ko naman na mga may mga malalaki ng konti makina - cefiro, at r150 hindi ganoon kadali magreklamo ung makina kapag medyo nasagad mo. --- Yun nga lang kung sobrang hindi sulit sa gas eh hindi rin ako siguro mag eenjoy.

    Ung isa ko pa pong tanong ay ung sa nabasa ko na thread tungkol sa "ball joint" daw ng suspension ng galant. Paano po ba un magagawan ng paraan na patibayin ng hindi naman lagi akong mamomroblema sa maintenance nun? Since madami nagsabi madali daw masira ung ball joint sa galant, wala bang way para patibayin un bukod sa pag gamit ng hindi pipitsugin na pyesa?

    Salamat po sa sasagot sa mga tanong ko.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    i used to own one.
    FC is around 5-6 kpl.
    medyo mahina nga ang suspension and joints, pero madaming nabibiling pyesa.
    patibayin? i dont believe in rebuilds din eh, basta OEM lang ok na.
    depende din naman yan sa method of driving mo and sa mga kalyeng dinadaanan mo.
    kailangan din ng regular maintenance sa throttle body, maf and servo para maganda ang hatak and to help you on your fuel consumption.

    imho, walang 1.6 ang galant dahil it is the lancer's turf.

Tags for this Thread

Tanong tungkol sa Galant "shark" vr4