New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 71 FirstFirst 12345671353 ... LastLast
Results 21 to 30 of 704
  1. Join Date
    May 2009
    Posts
    2
    #21
    Share ko lang mga experience ko sa JDM ko 2.5 4d56, naisip ko lang baka makatulong sa mga paji owners!

    1. I purchased my pajy last month lang as usual I was expecting issues pagdating sa JDM. Una kong napansin is my A/C, ayaw lumamig, going back home I saw some cheap talyer at nagparefill ako ng freon ko, and found out that 1990 pajy are using R12 which is obsolete na ngayon. so nagpunta ako sa kakilala kong A/C tech di2 sa pasig. kinargahan nila ng R12 pero mahina parin ang lamig, although lakas ng buga ng hangin pero unti lang yung lamig. anyway, pina check ko sa kanya ulit at nakita yung problem "compressor may leak" he gave the option to repair or replace ung compressor for 134a. I spent 7,500 lahat lahat na. not bad.

    2. Then after a week, pina check ko ung ilalim ng pajy ko, pinapalitan ko narin yung ball joint at tie rod ko kc it was already busted na! 4,900 ang damaged ko. ako mismo ang bumili ng piyesa at labor lang sila, mas maganda kc ikaw ang mag dikta sa mekaniko para di ka maloko.

    3. Na experienced ko rin yung hard starting, bumili ako ng glow plug and even repalce my bateri kc when i had my bateri tested eh busted na yung isang plate. spent 3,500

    4. I also fixed my problem sa throttle ko. dati kc, kailangan 2000RPM muna bago mo maramdaman yung hatak, tapos from 1 to 2 gear 2500RPM, minsan when i was driving nasa 2nd gear na ako then i depressed the pedal hanggang 2000RPM bigla nalang nag shift back to 1st gear at ang rev ko was 3000RPM pero walang hatak.

    Nag research ako at medyo natagalan, but fortunately na-ayos ko rin did some trial and error. ina-just ko yung kickdown cable then yung TPS ko. but i need to buy a new one kc may spot na dead yung TPS ko.

    Minor problems like yung mga lights, eh ako na gumagawa kesa ipasok ko sa shop at magbayad ng malaki, tiyagaan lang!

    So far wala pa naman akong na encounter na problem aside from above said. Yun lang po.

  2. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1
    #22
    just want to share my experience

    just got a jdm pajero from cagayan, bale ok naman sya pero ito mga pinalitan ko

    1. 4 tires savero kinuha ko 26 k
    2. 4 shocks (oem shocks with sensor) 30 k
    3. underchasis repairs 15 k
    4. aircon (pinapalitan ko ang compressor) 12 k
    5. overhaul ng injection pump 10 k
    6. pa reface and paayos ko breaks 7 k
    7. leather seat covers 6.5 k
    8. tint 4 k
    9 rain gutter 2 k
    10. antenna ( di kasi gumagana ng kinuha ko) 2 k

    ang mahal mahal , pero sa mga may warranty ko lahat pinagawa mga yan so i think worth it naman,

    marami pang problema akong nakikita tulad ng pag talsik ng oil sa breather (pero normal lang daw to sa 4m40 na engine 1994 pababa) nakita ko to sa net eh, kala ko blow by, then pag rereplace ng oil seal sa transmission ko

    was it worth buying the pajero? sa akin oo parin, maganda ang pajero para sakin ang gaan idrive,

  3. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    2
    #23
    good day po sa inyo. bago lang ako dito so i'm not sure kung ito ang tamang place. my pajero is a subic converted with an automatic transmission 4d56 diesel engine. i'm wondering why its maximum speed is just 80 kmh. please help me

  4. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    44
    #24
    I hope this is not off topic. I heard a few months back that there are difficulties in registering pajeros from subic. I'm not sure about the units from Cagayan. Does anyone know about this? Sorry, but I'm planning to buy a pajero soon and would like to know all my options. Thanks

  5. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,451
    #25
    mine came from cagayan pero sa malolos na namin siya nakita. yung dealer ng pajero namin, sa cagayan kumukuha. papers are ok at hindi naman ako nahirapan iparehistro and transfer of ownership

  6. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    6
    #26
    im a newbie here in tsikot:mga pajero surplus owners i would like to share one of the few problems our subic pajero exceed encountered.

    1. have you ever experience na walang lamig ang aircon at puro hangin lang ang lumalabas sa vents. pero okay naman siya wala alng talagang lamig.

    2. may minor oil leak sa ilalim near sa transmission. di ko makita saan nanggagaling. kung switch on mo ang engine mawawala pero kung switch off mo tatagas ulit pero kunti lang naman.

    3. madali ba talagang uminit ang makina ng pajero?

    4. mahina ba ang pajero automatic kung paakyat na daan? kasi panay overtake sakin ng multicabs eh. or kulang lang ang yapak ko ng gas pedal?

    4. ano ba talaga ang average speed ng pajero 2.5TDIC, automatic. kasi this is our first car in automatic transmission, manual user kasi father ko. kung ako nag da-drive observed ko na parang strain yong engine usually nasa 60kph ang speed at 3,100RPM.di ko na masyadong hinahataw baka masira ang engine.. is this normal mga sirs o may problema ba talaga ang sasakyan??

    5. and lastly share niyo naman mga sirs kung pano ba talaga tamang pag gamit ng automatic trans. pag nagmamaniho, pano correct upshift and downshift techniques. and etc. please share po kayo...

    salamat po mga sirs! your reply is highly appreciated.. thank you in advance....

  7. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,451
    #27
    bro, welcome sa tsikot. sagutin ko mga tanong mo kasi 1 rin akong subic pajero owner, pero galing port irene ang sa akin. mine nga lang is 2.8 TDIC.

    1. nope. malamig ang sa akin pero after 5 months, bumigay ang compressor ko dahil sa kalumaan

    2. none. pero may leak ang sa akin ngayon sa may intake

    3. hindi ko alam kung ano ibig mo sabihin dito. may thermostat ka naman ata eh, trabaho ng thermostat na painitin ng mabilis bilis ang sasakyan mo

    4. nope. malakas naman siya sa akyatan. pero expect mo talagang uunahan ka kasi matic ka eh

    5. nakaktakbo pa ako ng 155kph * 4000rpm ang pajero ko. sa yo, may problema na ang sasakyan mo. try mo muna papalitan yan ng atf, yun dexron III ah

    6. auto transmission, eh automatic shifting. pag pataas kang lugar, off mo ang overdrive mo para hindi siya shift ng shift. also may power and hold buttons ang pajero. gamitin mo ang power pag paakyat ka or oovertake ka ng matagal. ang hold function eh para lang ma-hold ang gear mo. madalas eto gamitin pag long driving on straightways. use L or 2 pag pababa ka or downhill driving. always put it in drive and overdrive on at most of the time.

    bro, dapat mo din tignan ang power steering gearbox mo, ang pitman and idler mo kung walang putol putol. at 1 pa pala, try to visit the fieldmaster thread, dun kami madalas mag usap about pajero

  8. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    6
    #28
    Quote Originally Posted by testament11 View Post

    thank you po sir testament11 for a great info.

    -by the way saan ba nakalagay ang power and hold functions? may buttons ba yan?
    -at pano ba malalaman kung gumagana pa ang overdrive ng pajero? kasi po wala namang nangyayari pag push ko ng button kung paakyat.
    *pasensya na po marami akong tanong.. gusto ko lang talaga malaman more info's para sa pajero namin; mga maintainance tips po. as of now kasi, ako na ang gumagamit ng pajero.. kasi father ko di na nya masyadong ginagamit kasi mahina daw ang takbo at malakas kumunsumo ng diesel kasi nga auto trans. meron kami mitsubishi jeep, manual with 4DR6T yun nalang daw muna gamitin nya sa work.

    salamat po talaga mga ka-tsikot! thanks in advance!

  9. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,451
    #29
    Quote Originally Posted by guest09 View Post
    thank you po sir testament11 for a great info.

    -by the way saan ba nakalagay ang power and hold functions? may buttons ba yan?
    -at pano ba malalaman kung gumagana pa ang overdrive ng pajero? kasi po wala namang nangyayari pag push ko ng button kung paakyat.
    *pasensya na po marami akong tanong.. gusto ko lang talaga malaman more info's para sa pajero namin; mga maintainance tips po. as of now kasi, ako na ang gumagamit ng pajero.. kasi father ko di na nya masyadong ginagamit kasi mahina daw ang takbo at malakas kumunsumo ng diesel kasi nga auto trans. meron kami mitsubishi jeep, manual with 4DR6T yun nalang daw muna gamitin nya sa work.

    salamat po talaga mga ka-tsikot! thanks in advance!
    1. nasa center console yan. makikita mo yan malapit sa cigarette box at nasa baba ng 12v socket. makikita mo yun dun at 1 toggle switch button yan.

    2. paano malalaman? takbo sa sa express o saan hi-way na tingin mo fast paced. pag naka-off at tumatakbo ka, pindutin mo. mararamdaman mo ang shifting niya once na pagkapindot mo

    mind you pala brader, ilang taon ka na ba? at sasabihin ko sa yo, normal lang ang madaming tanong about dito. ganyan din ako nung umpisa. pati nga international forums ng pajero, nagtatanong ako kung para saan o paano ang mga ito.

  10. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    1,636
    #30
    Quote Originally Posted by testament11 View Post
    1. nasa center console yan. makikita mo yan malapit sa cigarette box at nasa baba ng 12v socket. makikita mo yun dun at 1 toggle switch button yan.
    test diba may "hold" mark yang power button? kung tama pagkaka alala ko.. or power ba yun :confused:

Page 3 of 71 FirstFirst 12345671353 ... LastLast
Subic Pajero & 2nd hand Myths, Experts & Shops