Mga sir, saan po natin makikita ang EGR ng Strada model 2013. balak ko kasi papalinisan yung EGR valve kaso lang yung mechanic dito sa amin hindi niya alam saan yung banda naka kabit. Yung strada ko din mga sir pag start ko tuwing umaga merong annoying sounds sa may fan belt. pinatingnan ko na sa mechanic dito sa amin sabi na maluwag daw kaya ginawa niya hinigpitan. pero after a couple of days bumalik na naman ang sounds. Ang sabi noong mechanic papalitan na raw ang fan belt. Pina check ko sa ibang shop yung puro mitsubishi ang cater nila ang sabi ng mechanic doon eh marumi lng raw yung belt. hindi pa raw papalitan kasi ok pa belt ng sasakyan ko. meron siyang sinabing panglinis kaso naka limutan ko yung brand. Ano po ba the best na ma recommend ninyo na pang linis ng fan belt? sinubukan ko na po yung WD4 kaso bumabalik parin yung ingay.

Kung sa casa kasi ko papagawa ang problema ko wala akong time na pumunta ng casa it is 1hours away sa lugar namin at tapos mag spend pa ako ng day doon kasi maraming nakapila. Sana matulungan ninyo ako mga sir.