New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. Join Date
    May 2010
    Posts
    1
    #1
    Hello, mga Ka-mitsu -
    Patulong naman. Yung kotse ko ngayon nagluluko kapag may aircon. Yung idling nya hindi stable. Taas-baba ang rpm kapag pinaandar ang aircon. Kapag pinaandar ang aircon instead na magalit o tumaas ang menor, bumababa sya saka taas-baba na sya hanggang sa mamatay. Kailangan ko na itaas ang menor - 1.5 or higher para makayanan nya.... hindi mamatay kapag binuksan ang aircon. Kapag bukas ang aircon at nasa 1.5 rpm, bababa yan ng 1 rpm. Kaya kung naka 1-.8 rpm, kapag binuksan ang aircon, bumababa ng .2-0 rpm saka mamatay.
    Ano kaya ang problema nito? Paki-list down naman po ang need ko ipa-check. Thanks

    Specs-
    EFI, Lance GLXI 93.
    Last edited by Marxkill; May 4th, 2010 at 05:34 AM. Reason: add info...

  2. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #2
    Tinaggal mo ba lately battery nyan or battery connection?

  3. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    222
    #3
    Baka may singaw sa vacuum line, check mo yung mga hose.

  4. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    95
    #4
    sir tingnan mo po yung Idle cap, baka po sira na or maganit na di na kaya higupin ng vacuum kaya po taas baba yung RPM pag naka aircon.

  5. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    2
    #5
    Sir Maxkill na try mo na baitong mga suggestion ..ganito din sakit ng oto ko.thanks itlog efi 94.

  6. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #6
    MUkhang hirap ang engine paikutin ang compressor. YUn muna ang ipa-check kung ayos pa ba.

  7. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    23
    #7
    Bossing ipaadjust mo ung idle screw sa talyer habang nkabukas ang ercon mo. malamang sumobra baba adjustment ng idle mo kaya baligtad ung idling mo pag bukas ang ercon. sa magaling na mekaniko mo ipaadjust.

  8. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    216
    #8
    Dalin mo kay Raymond Sarol sa San Juan o kaya kay Elmer ng A&M kamuning para matono nila ng maayos.

  9. Join Date
    May 2009
    Posts
    119
    #9
    sound to me like a faulty vacuum idle up switch or leak sa vacuum system..have these to be check first before other

  10. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    43
    #10
    Quote Originally Posted by Marxkill View Post
    Hello, mga Ka-mitsu -
    Patulong naman. Yung kotse ko ngayon nagluluko kapag may aircon. Yung idling nya hindi stable. Taas-baba ang rpm kapag pinaandar ang aircon. Kapag pinaandar ang aircon instead na magalit o tumaas ang menor, bumababa sya saka taas-baba na sya hanggang sa mamatay. Kailangan ko na itaas ang menor - 1.5 or higher para makayanan nya.... hindi mamatay kapag binuksan ang aircon. Kapag bukas ang aircon at nasa 1.5 rpm, bababa yan ng 1 rpm. Kaya kung naka 1-.8 rpm, kapag binuksan ang aircon, bumababa ng .2-0 rpm saka mamatay.
    Ano kaya ang problema nito? Paki-list down naman po ang need ko ipa-check. Thanks

    Specs-
    EFI, Lance GLXI 93.
    I have a 94 Glxi. nangyari na sa akin yan..sira yung Aircon compressor bearing mo..BTW dalawa bearing nyan sa pulley saka sa loob. ang sira is yung sa loob. nahihirapan yung makina. Kaya taas baba ang Idle nya. Try mo pagawa if pwede pa. If di na pwede time to replace your A/C compressor 2.8k ang surplus. (mit air).
    Pag naka on lang aircon kamo diba? sure na sa Compressor na yan.

Page 1 of 2 12 LastLast
Problem kapag maka-Aircon