
Originally Posted by
Bogeyman
Iho, don't take this the wrong way, pero wala kaming pakialam kung first time mong gumawa ng thread o hindi. Ang sinasabi namin, ayusin mo ang spelling ng mga words mo, kasi yun ang masakit basahin; hindi lahat ng tao dito eh adik kagaya ng username mo. Siguro naman eh may pinag-aralan ka kahit papano at naturuan ka naman ng tamang spelling, di ba, kasi nakakahiya sa mga magulang at teachers mo. Unlike sa cellphone, malaki ang screen size ng computer monitor; hindi mo kailangang gumamit ng text speak; only idiots use that on the forums. Hindi ka naman siguro idiot, no?
Isipin mo na lang na mas marami pa sanang responses itong thread mo kung hindi lang sadyang NAKAKA-IRITA basahin kasi NAKAKABOBO yung spelling. Sayang yung effort mo eh, matino pa naman yung tanong mo. Sa susunod na gumamit ka pa ng text speak dito, mabagsakan ka sana ng isang dosenang dictionary sa ulo para matauhan ka at umayos ka sa pag-type mo. Okay?
Anyway, back to topic, kung gusto mo ng bilis, mag-Vios ka. Personally, diskumpyado pa ako sa CRDi eh. Mas pagkakatiwalaan ko pa ang old school 4D56 ng Adventure pagdating sa tibay.