Mga sir, hingi lang sana ko suggestions and idea regarding sa issue ng 2006 mitsubishi adventure gls ko. Binili ko sya 2nd hand last month, gumagagana pa yung odometer nya initially pero kanina lang biglang huminto sa 39,999 km. Gumagana pa naman yung speedometer ko and yung na rereset na kilometer trip, yung pinaka odometer lang ang ayaw na gumalaw. Saan kaya pwede ipagawa ito and magkano kaya ang magagastos? Nag search na ko sa internet and merong binabanggit na gear na possible nasira. Baka meron kayong masusuggest na pagawaan na hindi ako gagastos ng malaki, thanks a lot.