Quote Originally Posted by lyncjo23 View Post
Ano po ba ang first na ini inspect pag mag lalabas ng sasakyan.. bago lang po kasi wala pang experienced

thank you
Basic yung mga controls at instrument nya dapat gumagana lahat. As in dapat maidrive mo, mapakiramdaman, mapindot mga butons kung gumagana... etc.

External, walang gasgas, dent o abnormality sa body. Yung allignment ng hood, at mga pinto. Check na rin ang tire pressure, silipin ang pang ilalim at kung may kalawang ay usisain mabuti. alam ko 1year na rust free pag bago!

Sa engine, check ang mga caps & dip stick. Check na rin mga langis at fluids. Then, paandarin uli at pakinggan ang makina habang ineterebolusyon.

Basa-bada lang at research pa sa internet para hindi ma-excite sa pagtanggap ng new car. Dapat free from defects yan!