Na-solved na po alignment problem. Ginamit namin original fittings ng 15c at ito ang ikinabit sa 17c, kasi "exactly", parehas naman ang bracket nila. Hindi pwede and clutch-pulley galing sa 15c kasi "middle" and position niya kaya sobrang sa haba sa dating alignment sa FM 4m40. Mabuti na lang nakahanap kami ng photo (MITSUBISHI PAJERO CLUB OF THE PHILIPPINES Public Group | Facebook) ng 17c na may "Back" pulley at nagkaroon kami ng idea. P800 to P1400 yung back pulley lang, walang clutch. Sakto na ang alignment ng brand new Denso 17c sa pinanggalingan ng 15c sa FM 4m40. Ginamit din namin ang dating cover ng 15c at ito ang ipinalit sa new 17c para yung dati na ring in/out tubings ang gagamitin namin. Thank you sa mga nagPost patungkol dito. God bless...
DIY po kami, kasi last month, gumastos po kami ng mga P7,500 sa shop, pero nasira 15c compressor. Napagod na kami sa gastos, at 2-3x a year kami bumabalik sa shop, kaya parang nawalan na kmi ng tiwala sa shop na malapit sa amin. Biruin niyo nagQuote sa amin ng P25k package, with brand new compressor. Nagbasa lang kami ng mga forum at nagtanong sa mga friends na wizard. Pag flush ng compressor, maitim masyado ang lumabas na dumi. Pag-tanggal namin ng 2 evaporator, ang hirap tanggalin ng expansion valve kasi, matagal na ito na hindi napapalitan, eh maraming beses na kami pabalik-balik sa shop, di man lang sila nagSuggest palitan ng bago. Filter Drier lang pinapalitan, eh kami naman walang kamuwang-muwang noon. "Even if you have a trusted technician it pays to understand Car AC system." Ina-assemble na namin lahat ng components, baka tomorrow, matapos na.
Marami ng nag comment na gumamit ng 17C sa FM nila na mag mabigat hatakin at tumaas ang fuel consumption nila. Kung gusto nyo tumino yung aircon nyo pa service nyo sa Aves sa Speaker Perez.
Has anyone tried decarbonizing their FM? The vendor claims that black smoke emission will be reduced by 90% and that it will also improve the performance of the engine. No chemicals will be used daw. Would appreciate it if anyone could give their feedback on this. Thanks!
Hindi rin madali mag-DIY, after doing the leak test for 2 days, nakita rin ang mga ito, mostly, mga maluwag na fittings in the most unexpected places. Then, malaking bagay din yung advice ng mga experts, kasi kahit wala nang leak, hilaw pa rin lamig. Nang dalhin namin sa friend na technician, nag-bleeding lang siya sa low side, na-"realize" namin na may nakapasok na hangin sa AC system. Paano nalaman? Pag-bleed niya, hangin muna lumabas for a while. Tumigil siya ng bleeding nung puting freon na ang lumabas. Ngayon, enjoy na kami, kasi napakalamig na ng buong sasakyan kahit matindi ang init ng araw sa tanghaling tapat, at kahit naka-park lang. Kung hindi pa kami pumunta sa friend namin, baka nagdagdag pa kami ng auxiliary fan sa may condenser, likod ng oil cooler. Isang mahalagang leksyon, dapat purong (quality) freon lang ang laman ng A/C system. I hope this helps everyone who will experience the same predicament.
Mga paps sino dito naka stock na compressor ng FM? Kasi sakin stock pero mainit kasi lalo na pag naka open yung likod ng sabay sa harap pinacheck ko okay naman yung compressor tyka bagong linis AC ko pag gabi malamig naman yun lang pag mainit talaga panahon hirap palamigin yung FM ko.. nagplaplano ko magpalit ng 17c kaso namamahalan ako ano pa ba ibang options? Patulong naman mga paps na naka stock dyan na compressor
Sent from my iPhone using Tapatalk
Dalhin mo sa coolmate corp yung pajero mo.. marami kasi sa mga AC shop eh nag kakaraga ng refrigerant by tanchameter.. dapat by WEIGHT ang karga.. usually pag dual nasa 700gms ang refrigerant charge..
Madami kasi tingin tingin lang sa pressure.. tinitiped yung karga..
Kung gusto mo sure shot na pagawa ng aircon ng FM go to Aves sa Speaker Perez. Si Mr Rex owner ay more than knowledgeable sa Pajero so sisiw sa mga tao niya ang sakit ng FM. Yung sa akin ay was fixed by them after going to multiple shops at spending more than it should be.
Makati po malapit sa south cemetery.. had my mitsu adventure ac cleaned by them for 7k pesos.. palit drier and o-rings lang plus 60ml oil and refrigerant. meron silang machine dun pang extract and recharge of refrigerant.. yung machine nila mag lalagay ng oil at charge ng refrigerantn by weight.. tapos may quality control personnel that will check kung ok yung cooling ng system.. they have scientific method of checking.. hindi yun balat sa braso ang pang check kung malamig
Hello all,
By chance ba na pwede palitan ung adjustment screws ng headlight kasi ayaw na magadjust ng bato ng ilaw ko?
Sent from my ONEPLUS A5010 using Tapatalk
Baka makatulong sa inyo ito sir, nag palit ako ng 17c compressor eto breakdown ng cost
17c compressor (surplus) 3.6k
Compressor pulley Bnew 1.2k (from 15c to 17c)
Refrigerant 2kgs 800
Filter dryer 500pesos (i think)
Labor 700 (kaibigan eh)
Bought the items sa AC shop sa Dalandan Valenzuela katabi ng old fire station. Hope this helps