dapat pala yung abot tanaw mo yung car mo habang nagpapagawa sa casa, meron naman mga lounge na kita yung buong service area para sure tayo.
Sent from my GT-P6200L using Tapatalk 2
ayun yung masakit dun eh. you value casa for your warranty claims, na to think na nasa casa sasakyan mo, sigurado ka diba tapos mahal pa sa casa, pero sila pa ang pasimuno ng mga ganitong kagaguhan. matagal ko ng alam to kaya isa lang tumitira ng sasakyan ko sa casa, kilala ko talaga. pati adventure ko nga eh sa toyota sine-service eh kase kilala ko yung mekaniko at pinapanuod ko lang unit habang sine-service.
lahat ng pinapalitan na parts sa sasakyan ko kunukuha ko habang pinapanuod ko gumawa. ang di ko lang nakukuha eh warranty claims like busted shock absorber, basta warranty claim. dadalin daw kase nila sa planta (eh if i know warehouse lang yun) HAHA.
5% lang siguro sa lahat ng casa sa pilipinas of different automobile brands ang pumapayag na panuorin ng customer ang sasakyan habang ginagawa. dalawa na jan ang toyota batangas at toyota marikina pero di ko pa yan nasubukan pareho kase wala akong kilala jan.
TS ok na sana eh, na-abisuhan mo yung karamihan lalo na sa mga walang alam sa kotse sa mga katarantaduhan sa casa (kahit matagal na tong ganitong kalakaran), pero sa nababasa ko (opinyon ko lang naman) eh parang proud na proud ka pa na puro nakaw sa mas bagong montero yung nasa montero mo na na-ondoy eh (with pics pa ah).
isipin mo na lang yung mga nanakawan ng parts. pinaghirapan nila yung perang pinambili sa sasakyan para gamitin ng maayos, at pinapa service sa casa to have their peace of mind tapos tatangkilikin mo yung ganung kagaguhan? kawawa naman sila diba. isipin mo na lang kung ikaw ang nasa paa nung mga nanakawan.
nagsabe ka na lang din na gusto mong makatulong, sabihin mo na sa kanila kung sang casa ginagawa yung mga kagaguhang yan para maiwasan.
kung ako sayo tigilan mo na pag tangkilik sa ganyan ng casa boys dahil parang isa ka na din sa kanila. mamaya mo makarma ka ka bigla sa pinaggagagawa mo. habang nagmamaneho ka gamit yang montero mo na puro nakaw sa ibang sasakyan ang nakasalpak eh ang magdala sayo sa aksidente.
just my 2 cents.
Last edited by ericson21; October 19th, 2012 at 07:15 PM.
sir kung proud ako at parang pinag mamalaki ko yung mga oofer nila sa akin d ko na gnawa tong thread na toh kse nakikinabang ako eh..as ive said gnawa ko tong thread para aware ang mga tsikoters na may mga nangyayaring ganito tlga sa service ng kasa khit old story na nga toh bngyan ko ng proof kaya may pixs na totoo po tlga gnagawa nila.hindi lang naman ako inaalukan nila ng ganyan marami pa pong iba..
khit d ko post tong thread na toh nangyayari na talaga toh..d lang sa akin marami pang iba as in marami pa sa iba at mas garapal pa..
Why won't you post the particular dealer? If you really want to help, just post the damn mitubishi dealer! I can't help but think that by not telling us the effin' dealer you're complaining against, you are condoning their practices. You're making some of us potential victims of that dealer by not telling us the name of the dealer!
TS pwede pakisagot kung tama o mali:
Ang Casa na ito ay sa Metro Manila area.?
:twak:
natimbrehan na ang kataas-taasan ng toyota at mitsu.
kasalukuyang tini-trace na si TS.
paunahan na lan sila, either i-expose na nya yun mga casang involve or kasuhan sya ng anti-fencing ng casa.
nuninuninuninuninu.... :evillaugh
Na trace na yung location ni TS?..kanino nakaregister yung IP address nya?![]()
nakakainis ang mga taong di lumalaban ng parehas. sana lang balikan silang lahat ng karma. i never brought my car to the casa since the day i got it - simply because i don't trust them. most, if not all, of them just care for profit and not the customer's welfare.
My car is turning 2 years now and I never had any issues.
yung 2011 adv ko,dinala ko sa casa para pagawa umiingay sa steering ko,ayun ginawa nilagyan lang ng cable ng water hose,ang sagwa,syempre complaint to the max ako,wla rin, ang sagot nila,ganun lang daw ang serbisyo nila,anak ng putakte,dapat palitan nila yun,nagtanong ako sa mitsubishi parts sa banawe,nasa 9k daw worth ng parts na yun...kaya pala ayaw palitan ng casa...as of today never na ako nag pagawa sa casa.yun lang.
so does this mean if you see a used car advertised as "casa maintained"..... it really doesn't hold as much weight as before?
anyway, dito nga sa toyota marikina open ang service bay. even you would not want to stay there kasi open nga lang at di aicon, kita naman siya from the waiting lounge. so while waiting, doon ka muna sa lounge, if you see it's your car's turn, pwede mo na puntahan. yun lang, sa dami ng nakapila, maubos araw mo kung maghintay ka. mapilitan ka rin iwanan na lang at balikan when ready for pickup.