New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 14 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 138
  1. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    14
    #1
    hello mga tol kabibili ko lang kasi ng Adventure nung April 2, 2008 tatanong ko lang sana kung ano madalas maging problem ng adventure 1st time ko kasi nagkaroon ng car eh wala ako kaalam alam dito

    tatanong ko lang din yung mga tips kung pano ko maaalagaan yung car para di masira

  2. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    24
    #2
    Good morning sa ngayon sundin mo muna ang 1K km change oil mas maganda kung mapatakbo mo sya ng 100km/hr ma break in sana sa express way, may mga maoobserbahan ka na kakaiba kung sakali man, late last year lang ako kumuha ng advie may mga natuklasan na mga minor lang naman at na correct naman, sa ngayon okey na sya pero maging sensitive ka sa mga tunog na kakaiba sa iyong pandinig.

    Mga obserbasyon ito na sinasabi rin sa akin ng mekaniko sa kasa at sa mga nakakusap ko.

    Ingat lang sa driving.

  3. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    35
    #3
    Bro, diesel ba ang Adventure mo, try mong lagyan ng fuel saver, yun nabibili sa Blade sa SM, Effective siya, lumalakas pa ang torque...

  4. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    2,105
    #4
    before considering buying a fuel saver. visit our fuel saving gadget threads.

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    14
    #5
    d po kasi ako sanay mag drive ng 4 wheels eh tricycle lang dati q dina drive kaya d ko pa po nasubukan mag 100km/h max speed ko pa lang po 80 eh


    diesel po yung advie ko, fuel saver ok yun ah magkano po yun san po pinakakabit ok lang po ba magpakabit nun baka kasi ma void yung warranty nya? sa ngayon po nakaka 600 na odometer ko


    salamat po sa mga nag reply

  6. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    14
    #6
    *** advie q 5 days pa lang cra n agad stereo amp!

  7. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #7
    Uhm, sana nagtanong ka ng mga posibleng problema ng Adventure bago ka bumili, hindi pagkatapos.

    Dalhin mo na sa casa yung stereo mo, under warranty pa yan.

    And ignore those so-called "fuel savers". Ka-lechehan lang yan; nagtapon ka na ng pera, void pa ang warranty mo at sira ang makina mo. At konting hinay sa silinyador, alam mo na, diesel yan. Hindi sing-tulin ng gasolina.

    Kung gusto mong makatipid sa krudo:

    - Follow your PMS religiously, especially regular oil change.

    - Maintain proper tire inflation (refer to your owner's manual).

    - Use biodiesel.

    - Learn and practice less aggressive driving techniques.

    - As much as possible, stick to your stock tires and rims.

    - Avoid carrying unnecessary cargo during normal use.

    - Also avoid unnecessary accessories such as roof racks, extended bumpers, mga naglalakihang amps at speaker setups. They not only add excess weight, they also affect your vehicle's aerodynamics, bukod pa sa pag-agaw ng interior space at battery power.
    Last edited by Bogeyman; April 9th, 2008 at 10:11 PM.

  8. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    14
    #8
    pinalagyan ko po ng rollbar yung harap gilid saka likod ng car plastic lang po kasi nakalagay eh, d po ba makaka apekto sa sasakyan yun

    yung stereo po sinoli ko na sa casa papalitan na lang daw










  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,515
    #9
    Congrats sa new ride mo. Sundin mo lang ang PMS schedule. Maximize mo habang under warranty pa. I suggest gamitin mo ng gamitin the normal way para makita agad if ever may lumabas na diprensya balik agad. Byahe mo ng malayo para mainat.

    Search mo lang adventure thread dito at maraming makakatulong sa yo tungkol sa diesel maintenance and care ng 4D56 engine.

    Tungkol sa mga rollbars sa harap at likod...para sa kin pampa bigat lang at dagdag sa linisin bukod sa gastos hehe. pero kanya kanyang kursunada lang ika nga.
    Last edited by XTO; April 10th, 2008 at 08:28 AM.

  10. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    14
    #10
    kaya ko napili ang adventure kasi ang laki ng discount sa down payment 70,000 agad sa mitsu lang yata meron ganun kalaking discount halos isang mapormang owner type jeep na katumbas

Page 1 of 14 1234511 ... LastLast
Mitsubishi Adventure 2008 GLS Sport