New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    14
    #1
    magandang araw po mga ma'am at sir!

    galing po akong probinsya, at kakalipat ko lang dito sa manila (qc).

    bago po ako lumipat dito e pinatingin ko sa casa etong 2003 mitsubishi L200 endeavor na pickup. pinalitan nila yung timing belt, tapos sabi nila e kailangan kong ipaoverhaul yung radiator. kaya pinaoverhaul ko yung radiator dun sa nagooverhaul. ok naman yung track record ng radiator overhaul shop na yun, sila nagooverhaul ng mga radiator ng dalawang sasakyan namin, with good results naman.

    so pumunta akong manila from probinsya:
    friday: dumating ako. siyempre ginamit ko sasakyan
    sabado: ginamit din sasakyan.
    linggo: ginamit din ang sasakyan. ni-check ko yung liquid level ng radiator, ok naman
    lunes: dahil coding e hindi ko ginamit itong sasakyan.
    martes: ginamit ko yung sasakyan.

    nung binabaybay ko yung north ave to go to sm (malalaki mga mall dito grabe hehehe) e umabot yung temperature pointer (yung gauge) sa 3/4. agad kong tinabi dun sa caltex north ave (nakakandado yung faucet nila, warning lang hehe), pinatay ang makina, at dahang-dahang binuksan yung radiator. ayun bumugso ang tubig.

    napabili tuloy akong coolant at distilled water. almost 5 liters yata yung kinarga ko (therefore almost 5 liters din malamang yung nawala)

    ayun yung kwento ko. ang mga tanong ko po ay:

    -pwede kayang hindi leak or crack yung problema ng makina and/or radiator, imbes e dahil sadyang mainit lang kaya nawawalan ng tubig? (umaasa ako na ganito lang hehe)
    -ano po ang kailangan gawin para maiwasan ang pag-overheat ng engine?
    -kung sakaling mangyari ito ulit, ano po ang dapat kong gawin?
    -saan po ang mga mapagkakatiwalaang mekaniko, radiator overhaulers, electricians, etc dito sa siyudad? aba'y para hindi naman ako maloko hehehe

    maraming salamat po mga ma'am at sir

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #2
    Pure coolant ba laman niyan before or pinalitan lang nila ng pure distilled water sa radiator repair shop?

  3. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #3
    dapat 50-50 ang mix nang Coolant-Distilled Water na inilagay sa radiator mo. Ang naiisip ko kasi, baka tubig (not even a distilled water) lang ang inilagay sa radiator mo.

    water as we know, mas maganda ang cooling capacity compared sa Coolant but.. mas mabilis ang boiling point nito compared to a coolant so kung matindi ang sikat ng araw (which is palagi naman), talagang mag-o-overheat ka nun.

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #4
    Sakin naman baka pure water na lang nakalagay kasi nababawasan. Parang kelangan ko ng palitan ng coolant at distilled water. Gagawin kong 50/50

  5. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    123
    #5
    Quote Originally Posted by kuyabinid View Post
    magandang araw po mga ma'am at sir!

    galing po akong probinsya, at kakalipat ko lang dito sa manila (qc).

    bago po ako lumipat dito e pinatingin ko sa casa etong 2003 mitsubishi L200 endeavor na pickup. pinalitan nila yung timing belt, tapos sabi nila e kailangan kong ipaoverhaul yung radiator. kaya pinaoverhaul ko yung radiator dun sa nagooverhaul. ok naman yung track record ng radiator overhaul shop na yun, sila nagooverhaul ng mga radiator ng dalawang sasakyan namin, with good results naman.

    so pumunta akong manila from probinsya:
    friday: dumating ako. siyempre ginamit ko sasakyan
    sabado: ginamit din sasakyan.
    linggo: ginamit din ang sasakyan. ni-check ko yung liquid level ng radiator, ok naman
    lunes: dahil coding e hindi ko ginamit itong sasakyan.
    martes: ginamit ko yung sasakyan.

    nung binabaybay ko yung north ave to go to sm (malalaki mga mall dito grabe hehehe) e umabot yung temperature pointer (yung gauge) sa 3/4. agad kong tinabi dun sa caltex north ave (nakakandado yung faucet nila, warning lang hehe), pinatay ang makina, at dahang-dahang binuksan yung radiator. ayun bumugso ang tubig.

    napabili tuloy akong coolant at distilled water. almost 5 liters yata yung kinarga ko (therefore almost 5 liters din malamang yung nawala)

    ayun yung kwento ko. ang mga tanong ko po ay:

    -pwede kayang hindi leak or crack yung problema ng makina and/or radiator, imbes e dahil sadyang mainit lang kaya nawawalan ng tubig? (umaasa ako na ganito lang hehe)
    -ano po ang kailangan gawin para maiwasan ang pag-overheat ng engine?
    -kung sakaling mangyari ito ulit, ano po ang dapat kong gawin?
    -saan po ang mga mapagkakatiwalaang mekaniko, radiator overhaulers, electricians, etc dito sa siyudad? aba'y para hindi naman ako maloko hehehe

    maraming salamat po mga ma'am at sir
    Baka hindi maayos ang pagseal ng radiator pagkatapos mong ipa-overhaul kaya nagleak ang coolant. Pwede ring hindi mahigpit ang pagbalik ng radiator hose (upper/lower) kaya nagleak. Or pwede ring may natanggal na part/wiring ng cooling system mo na hindi naibalik ng maayos ng nag-overhaul ng radiator mo.

  6. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    14
    #6
    salamat po!

    so pwede pong coolant lang ang sagot, or may medyo may tagas? kung nakaabot naman ako from the province to manila e hindi naman siguro ganun kalala yung problema ano po?

    salamat po ulit!

    add: at kung sakaling may tagas po e saan po sa qc ang mapagkakatiwalaang radiator shop at mekaniko?
    Last edited by kuyabinid; April 14th, 2010 at 10:46 AM. Reason: additional query

  7. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    14
    #7
    salamat po sa mga reply. mali yung pagkakalagay ng clamp ng hose kaya nababawasan yung tubig hehe. kaya ngayon ok na pero...

    medyo tumaas temp kanina nitong sasakyan ko nung binabaybay ko ang quezon avenue (alas tres po ng hapon hehe). usually a hair below half yung temp gauge niya, pero kanina nung doon sa bottleneck sa uturn slot e medyo umakyat siya ng more than half.

    tinabi ko sa petron yung sasakyan at pinacheck yung level ng tubig. yung nabawasang tubig e parang normal lang na bawas kapag binuksan ng mainit yung radiator at umabaw yung hot water.

    siyempre pumunta kaagad ako rito sa tsikot, at ang posibleng ugat daw ng (almost) overheating in traffic ay:

    dirty radiator, defective water pump, at/o inefficient radiator fan.

    saan po pwedeng magpatingin at magpaayos ng:

    radiator (linis)
    water pump (linis? ayos? palit?)
    radiator fan (para panalo an ikot)

    ng 2003 mitsubishi L200 endeavor? sa may diliman po.

    salamat!

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    566
    #8
    Ang daming nawalang tubig, hindi dapat magbabawas ng madaming water ang radiator ng ilang araw lang ginamit, may mali o defect sa cooling system.

    It could be the;
    1. radiator cap - possible na lumalabas ang tubig kung mainit na ang water o may singaw na.
    2. radiator leak. check the entire radiator if there are evidences of traces of water leak.
    3. thermovalve - might be defective

  9. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    1,324
    #9
    Kaya maraming nawala na tubig ay dahil binuksan po ninyo at hindi sa tagas.
    Huwag po ninyo bubuksan uli ang radiator pag mainit na ang makina,nakalagay
    po sa takip ng radiator na huwag bubuksan. Basahin at intindihin ng husto ang nakasulat dito.
    Kung wala na kayong mabasa ay bumili na kayo ng bago na takip na
    kung saan maari ninyong mabasa ang babala na ito.

    Normal lang po yan sa panahon ngayon lalo na at mainit.
    Kahit umabot sa 3/4 ang temperature ay huwag mabahala, obserbahan mo lamang kung tataas pa ito.
    Ang inyong sasakyan ay may kalumaan na at kailangan lang panatiliin na malinis
    ang cooling system.

    Kung ikaw naman ay may pangamba at kailangan kumilos, buhosan mo laang ng tubig ang ibabaw at katawan ng radiator pati na ang mga fins nito.

    Sa expansion tank lang po kayo mag dagdag ng tubig.

    Mas mainam na kayo na lamang ang maglinis nito.
    Kailan po ba ninyo huling nilinis ito o pinalitan ng coolant?
    Nakasaad po sa botelya ng coolant na kailangan ninyo magpalit kada 16 buwan.
    Last edited by mark_t; May 19th, 2010 at 01:02 AM.

bagong salta sa manila namay dalang 2003 mitsubishi L200 endeavor pickup