
Originally Posted by
zero
*bert is lord,
hi bro, welcome to tsikot.com!
regarding sa overheat problem mo...
= ipa-check mo yung radiator cap mo kung wornout na yung rubber, better yet palitan mo ng silicon-type na radiator cap. circuit brand ang pinaka-murang brand sa auto supply.
= ipa-check mo rin yung radiator fan motor mo, baka upod na ang carbon sa loob nito kaya hindi na tama ang ikot nito kaya medyo mahina ang hangin na binubuga niya. pabuksan mo sa suki mong auto electrician. more or less P75 ang pares ng carbon sa auto supply. siguro P200 ang labor nito. ilan nga pala ang fan mo sa harap? dapat dalawa, isang radiator fan at isang aircon aux fan.
= worst part, baka barado ang radiator mo. kailangan ipa-linis/overhaul. check also your radiator at bypass hoses for leaks.
goodluck sir.