
Originally Posted by
threeminuteslat
Hello mga sirs.
I know that this problem was encountered a lot of times here in this forum. I have a 94 Lancer Glxi at hindi ako marunong sa mga mechanical terms or kung ano dapat gawin pag may sira ang auto. Pero I do a lot of research naman para kahit papano may idea ako.
Okay here's the problem. Mag papa change oil sana ako sa shell kahapon pero nung binuksan na yung cap ng langis, nakita ng mekaniko na milkish yung itsura ng oil. So hindi na tinuloy yung pag change oil dahil daw kailangan ng i-overhaul yung sasakyan at nagre-range daw sya ng mga 20k. Wow. Nagulat ako at ninyerbyos sa laki ng aabutin na gastos. Sabi daw baka blown head gasket or blown cylinder blocks. Minsan ko lang gamitin yung auto ko so hindi ko talaga alam kung bakit nagkaganun. Pero nagoverheat na sya before and mabilis maubos yung tubig sa reservoir. Lagi ko syang pinapalitan bago umalis at umuwi. So ito po ang mga symptoms na napansin ko sa auto ko.
1. An engine that runs quite roughly (lalo na pagstart palang ng auto, parang palyado yung tunog)
2. Tail pipe emitting white smoke (makapal na usok pag nire-rev ko)
3. Air bubbles leaving the radiator when the cap is off and the engine is running. (pag nilalagyan ko ng tubig yung rad, bumubula yung tubig)
4. Major coolant loss (ubos lagi yung reserve kaya lagi kong nilalagyan)
5. Loss of engine power (hindi naman lagi)
6. Milkish brown color sa cap ng oil at may mga bubbles dun sa dip stick. (may nabasa ako na pag short trips lang, posibleng magkaganyan ang color gawa ng hindi nasusunog yung oil. Minsan ko lang kasi gamit ang auto every weekends lang at puro short trips)
So mga sirs, may pagasa pa ba na magawan ng paraang ang auto ko na hindi umabot ang gastos sa 20K? May nabasa ako dito before na mga 5-8k lang nagastos. Head gasket lang + labor. Pero I'm not sure kung ito lang nga talaga ang problema pero sana yun lang talaga.
Sana po matulungan nyo ako dahil mahirap narin po magtiwala sa mga mekaniko. kung may kakilala po kayo na tapat na mekaniko, kung pwede nyo po sana irefer sa akin. Sana yun lang talaga ang problema ng auto ko para swak sa budget. Medyo kabado narin ako baka nga tuluyan ng ibaba ang makina. Sana matulungan nyo ako. Salamat po.