May plano ako bumili ng 2011 Mitsubishi Adventure GLS Sport sa Visaya. Ang quote ng dealer ay 895K. Mas mahal sa presyong Luzon. Humigit kumulang sa 20K ang dagdag sa presyo dahil daw sa shipping ng sasakyan. Pero yung unit nasa display area na nila. Eto ang deal ng dealer.
Mga libre:
Tint
Floor mats
Window Visors
3 taon LTO registration
Chattel Mortgage
Seat covers
Insurance babayaran ko more or less 20k na di kasama ang acts of God.
Calculations:
200K down - 5 yrs to pay - 16,900 monthly
230K down - 5 yrs to pay - 16,182 monthly
300K down - 5 yrs to pay - 14,400 monthly
Pero meron na pre-termination rebate kung gusto mag-pay off ng loan.
Ano ang masasabi nyo sa deal na ito? Gusto ko sana makuha ang magandang deal dahil mahirap din kumita ng pera at maiwasan ang mga hidden charges. Salamat ng marami sa inyo.
boss, ang pagkaalam ko around 810k ang gls sport dito sa manila. bale standard na yata na may cash discount around 40k. correct me if im wrong mga tsikoteers..
Ibig sabihin pala nito nagiging buwaya ang salesman namin? Magkano kaya aabutin kung sa Manila kami bibili at dadalhin sa sa Iloilo ang unit? Paano ang registration at plate nito? Salamat sa inyo.
Kung papayag sila, at kung gusto mo makamura ka, you can get their showroom unit. Usually malalaki discount sa mga ganyan since laspag na nga in the sense of usage ng pintuan, etc. etc.